Isang Babae Sa 14 Na Namatay Na Nakipag Bakbakan Sa Batangas na myembro ng NPA, Ay Estudyante Ng U.P.!
"Yes, we received information that she was from UP (University of the Philippines). I’m just not sure which (campus),” Ito ang naging pahayag ni Batangas Provincial Director Police Sr. Supt. Alden Delvo sa pagkakakilanlan ng isa sa mga nasawi sa hanay ng terroristang New People's Army. Kinilala ang babaeng NPA na si Josephine Santiago Lapira, 22 taong-gulang, taga-Marikina. Kinumpirma na rin ng mga kamag-anak ni Lapira na nag-aral nga ito sa UP Manila. 14 ang nalagas sa panig ng NPA sa naganap na bakbakan kagabi sa Nasugbu, Batangas. Ayon sa mga ulat, lima sa 14 mga namatay na NPA ay mga babae. Samantala, 2 air force officials naman ang nasugatan sa nangyaring engkwentro. Matatandaang labing-apat na miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napatay sa dalawang magkasunod na engkuwentro laban sa mga tropa ng pamahalaan sa Nasugbu, Batangas kamakalawa ng gabi. Batay sa report ng Nasugbu police, bandang alas-otso ng gabi, nakatanggap umano ng report ang ...