Lumaktaw sa pangunahing content

Himutok ng dating governor ni Mar Roxas: ‘Ginapang ako ni Korina’


Hindi na nakapag­timpi at tuluyan nang sumabog ang matagal nang kinikimkim na sama ng loob ni Cagayan Go­vernor Manuel Mamba laban kay dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Manuel ‘Mar’ Roxas at asawa nitong si broadcast journalist Korina Sanchez dahil sa umano’y pagtraydor sa kanya noong nakaraang eleksyon.
Inamin ni Mamba na hanggang ngayon ay nakatanim sa kanyang dibdib ang sama ng loob sa mag-asawa dahil sa pagtarak umano sa kanyang likod para lang maisulong ang pulitikal na interes ng mga ito.
Mahigit isang taon na aniya ang lumipas pero hindi pa rin siya maka-move on sa katrayduran ng mag-asawang Roxas dahil lagi umano niyang naaalala ang ginawang pakikipag-usap nina ­Korina at Quezon City 6th District Rep. Kit Belmonte, na kapwa kasamahan noon sa Li­beral Party (LP), sa mga kalaban niyang kandidato sa pagka-gobernador.
“Alam n’yo ba ‘yung nangyari sa akin noong election, kung paano ako tinraydor. Ako, you treat me the way I should treat you. Kung hindi ako magtatraydor sa ‘yo, huwag mo akong traydorin. Wala pang presidente na nagtraydor sa akin,” ayon kay Mamba.
Ibinunyag pa ng go­ber­nador na may inutusan si Roxas para ipaalam sa kanya na muli itong tatakbo sa Senado at hinihiling nitong tulungan siyang makuha ang suporta ng kanyang lalawigan.
“Kaya nga nu’ng nagpasabi si Mar sa akin na tatakbo raw siyang senador, ang sabi ko naman sabihin ninyo sa kanya na zero siya sa Tuao. Pinasasabi ko rin kay Mar na huwag niyang traydurin ang mga taong tapat sa kanya tulad ng ginawa nila sa akin noong nakaraang eleksyon,” dagdag ni Mamba.
Nakakuha si Roxas ng 14,508 boto sa bayan ni Mamba na sinundan ni dating Vice President ­Jejomar Binay na mayroong 4,799 boto.
Samantala, sumumpa na si Mamba bilang bagong provincial chairman ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
Sinabi ng opisyal na hindi niya kilala si Pa­ngulong Rodrigo Duterte pero agad niya itong hina­ngaan dahil ito lang aniya ang nakagawa ng mga pagbabago sa Cagayan na hindi naaksiyunan ng dati niyang kinaanibang partido, tulad ng pagsipa sa mga abusadong opisyal sa lalawigan.
Dagdag ni Mamba, bilang dating regional chairman ng LP sa Cagayan Valley noong 2016 elections ay ilang ulit na niyang hiniling kay da­ting Pangulong Benigno Aquino III na resolbahin ang katiwalian sa gobyerno, illegal gambling at operasyon ng black sand mining sa kanilang lalawigan pero hindi aniya ito umaaksyon.
Nanahimik umano siya sa gabinete ni Aquino kung saan ay pinamumunuan niya ang Presidential Legislative Liaison Office (PLLO).
Samantala, wala pang reaksyon ang mag-asa­wang Roxas sa ibina­batong alegasyon ng da­ting kasamahan sa LP.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kris Aquino To Critics "Utang Na Loob Niyo Sa Tatay Ko Ang Kalayaan Niyo"

“And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY.” Ito ang mga sinabi ni Kris Aquino laban sa mga kritiko ng kanyang pamilya. Ayon pa kay Kris, "may bayag" o matapang daw ang tatay niya dahil handa raw itong mamatay para sa bayan. Kung tinatamasa ng mga Filipino ang kalayaan ngayon, ito ay dahil sa ginawang sakri­pisyo ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., ayon sa kanyang bunsong anak na si Kris Aquino. Sa Instagram post ni Kris, binanggit nito na ang kanyang ama ay ‘may bayag’ noong isakripisyo ang kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang Marcos. Tinutukoy ng television host at aktres ang pag-uwi ni Ninoy sa bansa noong Agosto 21, 1983 sa kabila ng babala na may mangyayaring masama sa kanya. Binaril si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport). Ang kanyang pagkamatay ang naging mitsa ng pagsiklab...

(DFA) Sec. Alan Peter Ca­yetano: "MAGRE-RESIGN AKO" kapag napatunayang totoo ang passport syndicate issue!

Manila Philippines: Nakahanda umanong magbitiw sa kaniyang puwesto si Department of Fo­reign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Ca­yetano kapag napatunayang minamaniobra ng sindikato ang appointment slot sa passport. Ipinahayag ito ni Ca­yetano kahapon sa paglulunsad ng 10-year validity ng passport na ginanap sa Office of Consular Affairs ng DFA sa Parañaque City. Sa isang panayam, sinabi ng ni Cayetano na handa siyang masibak sa puwesto kung totoo ang akusasyong may korapsyon sa DFA. Inamin din nito na hindi pa perpekto ang sistema ng passport processing pero mas naging maayos na aniya ito ng maupo sya sa kasalukuyan. “Handa rin po ako sa imbestigasyon kung ito ay mayroon nangyaya­ring korapsyon sa ahensiyang ito at patutuna­yan ko na walang ganyan dito,” ani Cayetano. Hinamon pa ng Kalihim ang kanyang mga kritiko na maglabas ng ebidensiya o ‘lead’ na may sindikato sa loob ng DFA kasabay ng mariing pagtanggi na walang ginagawa ang kagawaran hinggil sa kumakalat sa socia...

BIR Slaps Renato Reyes (Bayan) with ₱1.05M Tax Evasion Charges

The Bureau of Internal Revenue (BIR) on Friday filed a ₱1.05 million tax evasion case against Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Secretary General Renato Reyes Jr., for failing to pay his personal income taxes since 2009. BIR legal counsel Atty. Brigido Loyola said Reyes’ failed to file income tax returns especially last year where he made more than ₱5.7 million from three major rallies, including the 2016 Asean Summit where he reportedly earned ₱2.5 million according to court records. Reyes, a career activist, has denied many times earlier that he is not earning a dime from organizing protests and all of his works are in voluntary basis. But Loyola said Reyes family expenses are more than his wife’s salary – who is physician working in a public hospital. From 2009 to 2014, Reyes reportedly filed tax exemptions despite already making decent amount from different protests. “We cannot exempt an individual who is earming at least ₱1.5 million a year,” Loyola said. Tax evasio...