Ang pagkain ng gulay ang isa sa mga sikreto ng malusog at mahabang buhay.Marami tayong gulay sa bansa na hindi mo aakalain na napakarami palang benepisyo ang hatid sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Ito yung mga gulay na bukod sa masarap na ilutong ulam ay mabisa rin pala bilang halamang gamot sa iba’t ibang uri ng sakit.Isa sa mga iniisnab na gulay, lalo na ng mga milennials ay ang okra. Mayroon itong scientific name na abelmoschus esculentus at lady’s finger naman sa Ingles.Karaniwan itong ginagamit na sangkap sa ilang mga lutuin. Ang bunga nito na siyang ginagamit na panggulay ay pahaba, patulis at puno ng bilog-bilog na mga buto at may malapot at madulas na katas.Ang puno naman nito ay may katamtamang taas, may bulaklak na madilaw at karaniwang itninatanim sa mga taniman para sa bunga na ginugulay.Small but terrible talaga ang gulay na ito dahil ang iba’t ibang bahagi ng halamang okra ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa k...