Ang pagkain ng gulay ang isa sa mga sikreto ng malusog at mahabang buhay.Marami tayong gulay sa bansa na hindi mo aakalain na napakarami palang benepisyo ang hatid sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Ito yung mga gulay na bukod sa masarap na ilutong ulam ay mabisa rin pala bilang halamang gamot sa iba’t ibang uri ng sakit.Isa sa mga iniisnab na gulay, lalo na ng mga milennials ay ang okra. Mayroon itong scientific name na abelmoschus esculentus at lady’s finger naman sa Ingles.Karaniwan itong ginagamit na sangkap sa ilang mga lutuin. Ang bunga nito na siyang ginagamit na panggulay ay pahaba, patulis at puno ng bilog-bilog na mga buto at may malapot at madulas na katas.Ang puno naman nito ay may katamtamang taas, may bulaklak na madilaw at karaniwang itninatanim sa mga taniman para sa bunga na ginugulay.Small but terrible talaga ang gulay na ito dahil ang iba’t ibang bahagi ng halamang okra ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan.Ang bunga nito ay mayroong pectin, mucilage, fat, tubig, at ash. Mayroon din itong protina, lipid, carbohydrate, dietary fiber, sugars, sucrose, glucose, fructose at starch.Siksik din ito sa mga mineral na calcium, iron, magnesium, phosphorus, potassium, sodium, zinc, copper, manganese, selenium na mabisang gamot at pangontra sa maraming karamdaman.Saan ka pa, ang bunga ng okra ay may taglay din na bitamina gaya ng vitamin C, thiamin, riboflavin, niacin, pantothenic acid, folate, choline, B-carotene, vitamin A, vitamin E, at vitamin K.Walang ka talagang itatapon sa maliit na gulay na ito dahil ang mga buto naman nito ay makukuhanan naman ng palmitic acid, stearic acid, arachidic acid, oleic acid, at linolic acid. Ang mga puting buto nito ay may bonus pang vitamin C.
Okra bilang halamang gamot
Kung gagamitin naman ito bilang halamang gamot, hindi ka rin mabibitin sa mga benepisyong dala ng iba’t ibang bahagi nito tulad ng mga sumusunod:
1. Ugat. Karaniwan itong inilalaga upang mainom o ipanghugas sa ilang kondisyon sa katawan. Maaari ding itong dikdikin at ipantapal sa ilang mga kondisyon sa katawan.
2. Dahon. Inilalaga rin ang dahon at iniinom na parang tsaa. Dinidikdik din ang dahon at ipinangtatapal.
3. Bunga. Karaniwang ginagamit bilang gamot ang bunga ng okra. Maaari itong ilaga at ipainom sa may sakit. Ang malapot na katas ng bunga ay mabisa rin para sa ilang mga kondisyon sa katawan.
4. Buto. Karaniwang dinidikdik naman ang mga buto at inihahalo sa gatas upang ipampahid sa sakit sa balat.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento