Lumaktaw sa pangunahing content

PLUNDER CASE ang isinampa sa mga dating cabinet members ni PNoy sa Ombudsman.



Kasong plunder ang ikinasa kahapon ng Department of Transportation (DOTr) laban sa mga miyembro ng gabinete ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na may kinalaman sa maanomalyang maintenance contract sa Busan Joint Venture na ugat ng palpak na serbisyo ng MRT-3 ngayon.
Sa charge sheet na isinampa sa Office of the Ombudsman sa pamamagitan ni DOTr undersecretary for legal affairs and procurement, Reinier Yebra.

 Nangunguna sa sinampahan ng plunder complaint sina dating Department of Transportation and Communications (DOTC) Sec. Joseph Emilio Abaya at dating Interior and Local Go­vernment Secretary Mar Roxas. Si Roxas ay nagsilbi ring kalihim ng DOTC bago si Abaya.

Bukod kay Abaya at Roxas, kasama sa inireklamo sina dating Budget and Management Secretary Florencio Abad, dating Finance Sec. Cesar Purisima, da­ting Energy Sec. Jericho Petilla, dating Science and Technology chief Mario Montejo, dating Defense Sec. Voltaire Gazmin, dating Public Works and Highways Sec. Rogelio Singson at dating National Economic and Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balicasan.

Gayundin sina dating MRT General Manager Roman Buenafe; dating Transportation undersecretaries Rene Limcaoco, Catherine Gonzales at Edwin Lopez; dating Bids and Awards Committee (BAC) officials; opisyal ng Busan Universal Rail, Inc. (BURI); at isang Marlo dela Cruz.
Ito na ang pangatlong reklamong isinampa laban kay Abaya sa Ombudsman na may kinalaman sa umano’y maanomalyang MRT-3 maintenance contract.

Iginiit ni Cong. Nograles kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na imbestigahan ang pa­yola scheme na sumingaw sa P3.8 bilyong maintenance contract na pinasok ng Department of Transportation (DOTr) sa Busan Universal Rail Inc. (BURI) para sa operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3.

Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles, sangkot diumano sa iskandalosong payola scheme sa MRT-3 maintenance provider ang mga nakaraan at kasalukuyang opisyales ng pamahalaan.

“I have received reports on an alleged payola scheme of past and present government officials that made this fake contract possible. I am in the process of verifying these facts and will expose them in the appropriate time and venue but I really think that the Ombudsman should also take the initiative to investigate this large-scale corruption that put the MRT-3 in a terrible mess,” pahayag ni Nograles.

Dapat aniyang simulan ng Ombudsman ang pagkalkal sa masalimuot at buhol-buhol na sistema ng korapsyon kaya nagawang pumapel ng BURI bilang maintenance service provider ng MRT-3 kahit na maraming butas sa kontrata at palpak ang serbisyo nito.

Binanggit ng kongresista na dahil sa pagkakadeklara ng Commission on Audit (COA) na non-existent at hindi balido ang kontrata sa BURI, nararapat lamang na ibalik ang milyones na pondo na ibinayad ng gobyerno sa naturang kompanya.

“COA has issued se­veral notices of suspension on the payments made to BURI. According to the COA, BURI has no legal personality to collect payments from the DOTr and, therefore, should return the money,” giit ni Nograles.

Subalit maaaring imposible na aniyang maibalik ng BURI ang lahat ng binayad sa kanila dahil sa korapsyon.
“We are investigating and verifying if some personalities received bribes, commissions, campaign funds from this group. Paano nila singilin ang mga ‘yun? BURI may have also given commissions to past and present officials for every payment made to them,” ayon kay Nograles.
Samantala, ngayong ibinasura na aniya ng tanggapan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang kontrata ng BURI, dapat ay kumilos na rin kaagad ang kagawaran at hanapan ng pangmatagalang solusyon ang mga problema ng MRT-3.

“The DOTr can solicit help from the private sector regarding the MRT3’s woes. The LRT system is running with minimal problems so if that is a working formula, why not replicate it? I think that the DOTr should use the LRT experience in its effort to rehabilitate LRT,” mungkahi ni Nograles.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kris Aquino To Critics "Utang Na Loob Niyo Sa Tatay Ko Ang Kalayaan Niyo"

“And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY.” Ito ang mga sinabi ni Kris Aquino laban sa mga kritiko ng kanyang pamilya. Ayon pa kay Kris, "may bayag" o matapang daw ang tatay niya dahil handa raw itong mamatay para sa bayan. Kung tinatamasa ng mga Filipino ang kalayaan ngayon, ito ay dahil sa ginawang sakri­pisyo ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., ayon sa kanyang bunsong anak na si Kris Aquino. Sa Instagram post ni Kris, binanggit nito na ang kanyang ama ay ‘may bayag’ noong isakripisyo ang kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang Marcos. Tinutukoy ng television host at aktres ang pag-uwi ni Ninoy sa bansa noong Agosto 21, 1983 sa kabila ng babala na may mangyayaring masama sa kanya. Binaril si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport). Ang kanyang pagkamatay ang naging mitsa ng pagsiklab...

(DFA) Sec. Alan Peter Ca­yetano: "MAGRE-RESIGN AKO" kapag napatunayang totoo ang passport syndicate issue!

Manila Philippines: Nakahanda umanong magbitiw sa kaniyang puwesto si Department of Fo­reign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Ca­yetano kapag napatunayang minamaniobra ng sindikato ang appointment slot sa passport. Ipinahayag ito ni Ca­yetano kahapon sa paglulunsad ng 10-year validity ng passport na ginanap sa Office of Consular Affairs ng DFA sa Parañaque City. Sa isang panayam, sinabi ng ni Cayetano na handa siyang masibak sa puwesto kung totoo ang akusasyong may korapsyon sa DFA. Inamin din nito na hindi pa perpekto ang sistema ng passport processing pero mas naging maayos na aniya ito ng maupo sya sa kasalukuyan. “Handa rin po ako sa imbestigasyon kung ito ay mayroon nangyaya­ring korapsyon sa ahensiyang ito at patutuna­yan ko na walang ganyan dito,” ani Cayetano. Hinamon pa ng Kalihim ang kanyang mga kritiko na maglabas ng ebidensiya o ‘lead’ na may sindikato sa loob ng DFA kasabay ng mariing pagtanggi na walang ginagawa ang kagawaran hinggil sa kumakalat sa socia...

BIR Slaps Renato Reyes (Bayan) with ₱1.05M Tax Evasion Charges

The Bureau of Internal Revenue (BIR) on Friday filed a ₱1.05 million tax evasion case against Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Secretary General Renato Reyes Jr., for failing to pay his personal income taxes since 2009. BIR legal counsel Atty. Brigido Loyola said Reyes’ failed to file income tax returns especially last year where he made more than ₱5.7 million from three major rallies, including the 2016 Asean Summit where he reportedly earned ₱2.5 million according to court records. Reyes, a career activist, has denied many times earlier that he is not earning a dime from organizing protests and all of his works are in voluntary basis. But Loyola said Reyes family expenses are more than his wife’s salary – who is physician working in a public hospital. From 2009 to 2014, Reyes reportedly filed tax exemptions despite already making decent amount from different protests. “We cannot exempt an individual who is earming at least ₱1.5 million a year,” Loyola said. Tax evasio...