Lumaktaw sa pangunahing content

To CPP-NPA-NDF, Wala ng REBELLION..kundi mga TERRORISTA kayo! Giyera na lang tayo - DUTERTE



MANILA, Philippines — Tuluyan ng kinansela ng gobyernong Duterte ang peace talks nito sa lahat ng sangay ng Communist Party of the Philippines-New People’s-Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Inanunsiyo kahapon ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na isinasara na ng gobyerno ang usapang pangkapayapaan sa communist movement gaya ng kautusan ni Pa­ngulong Duterte.

“We are hereby announcing today the cancellation of all planned meetings with the CPP/NPA/NDF in line with President Duterte’s directive that there will be no more peace talks with them. Recent tragic and violent incidents all over the country committed by the communist rebels left the President with no other choice but to arrive at this decision. We take guidance from the President’s recent announcements and declarations,” pahayag ni Dureza.

Wala na ring ipatutupad na ceasefire sa kapaskuhan habang tuloy ang opensiba laban sa mga rebeldeng komunista.
Ang unilateral ceasefire ay inoobserbahan ng tropa ng militar at pulis­ya sa grupo ng NPA rebels bilang pagbibigay diwa sa kapaskuhan kung saan binibigyang pagkakataon ang mga rebelde na magsibaba sa kabundukan at bumisita sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon kay Dureza, ipinaabot na rin nila ito sa mga opisyales ng NDF sa The Netherlands gayundin sa Norwegian government.

Magugunita na kamakalawa ng gabi ay inanunsyo ni Pangulong Duterte na hindi na siya interesadong makipag-usap sa CPP-NPA-NDF at inutusan na niya sina Sec. Dureza at Sec. Silvestre Bello III na wakasan na ang peace talks sa grupong ito.

“Sinabi ko kay Dureza pati kay Bello, you tell the guys there sa Netherlands, I’m no longer available for any official talk. Giyera na lang tayo. So I have to build a strong army,” wika pa ni Pangulong Duterte.

Idinagdag pa ng Pangulo na idedeklara nyang terrorista ang NPA at lahat ng sangay nito at binantaang ipaaaresto nya lahat ng mga sangay nito. Sinabi din nya na lahat ng mga Minings company na nagbibigay ng revolutionary tax sa NPA ay ipahihinto nya ang operasyon nito at ipapaaresto.

"Beggining from now wala nang Rebellion Rebellion..because REBELLION is a bailable offense. We will file TERRORISM, MURDER lahat, ARSON with MURDER." Ito ang pahayag ng Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng mga sundalo.
Ayon sa mga ulat ng pagkakatanda, hindi ito ang unang pagkakataon na sinabi ito ng Pangulo kundi apat na beses nya na itong nabanggit sa kanyang mga talumpati at ito ay nagpapahiwatig na talagang seryoso ang Pangulo at talagang gigil na sya sa mga ginagawa ng grupong itinuturing nya ngayong terrorista.

Magugunitang mayroong insidente na may nadamay na sanggol at napatay ito sa isang opensiba ng NPA na syang lalong ikinagalit ng Pangulo.
Sa ngayon, pormalidad na lamang ang hinihintay sa pamamagitan ng isang resolution from the office of the President upang ganap ng maideklarang terrorist ang CPP/NPA?NDF.

Mga kababayan, ano po ang opinyon ninyo sa hakbang na ito ng pamahalaan, sang-ayon po ba kayo o tutol sa derektibang ito ni Pangulong Duterte.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kris Aquino To Critics "Utang Na Loob Niyo Sa Tatay Ko Ang Kalayaan Niyo"

“And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY.” Ito ang mga sinabi ni Kris Aquino laban sa mga kritiko ng kanyang pamilya. Ayon pa kay Kris, "may bayag" o matapang daw ang tatay niya dahil handa raw itong mamatay para sa bayan. Kung tinatamasa ng mga Filipino ang kalayaan ngayon, ito ay dahil sa ginawang sakri­pisyo ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., ayon sa kanyang bunsong anak na si Kris Aquino. Sa Instagram post ni Kris, binanggit nito na ang kanyang ama ay ‘may bayag’ noong isakripisyo ang kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang Marcos. Tinutukoy ng television host at aktres ang pag-uwi ni Ninoy sa bansa noong Agosto 21, 1983 sa kabila ng babala na may mangyayaring masama sa kanya. Binaril si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport). Ang kanyang pagkamatay ang naging mitsa ng pagsiklab

19 year old rape-slay victim..Suspect positive in using illegal drugs!

Another dream was burnt into ashes by an illegal drug user. Netizens were alarmed because of the increasing rape-slay cases after the Oplan Tokhang by the Philippine National Police was suspended by the President. Last week, another innocent 19 year old was victimized, allegedly raped and stabbed until death by an illegal drug user. The victim was identified as Bheanca Anne M. Punzalan, 19, a boutique staff from Lucena City. According to the report of PTV News, Bheanca decided to work and earn money because her parents cannot afford her studies to become a police officer. But her dream to become a police was brutally ended by a drug addict that already stalking the victim since November 7. The rape-slay happened after the suspect saw that the victim was already alone at the botique, he only spent six minutes just to do the crime. Bheanca’s bloody body was discovered inside the botique where she worked, the authorities found multiple stab wounds and a knife was even left embedded in h

Netizen binanatan si Renato Reyes: MAAWA KA SA SARILI MO, SA MGA ANAK MO, AT HIGIT SA LAHAT ... MAAWA KA SA BANSANG ITO!!!

MAYNILA, Pilipinas – Viral ngayon sa social media ang isang “open letter” ng isang netizen para kay Renato Reyes Jr., ang secretary-general ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan na madalas makita sa halos lahat ng kilos-protesta laban sa lahat ng pamahalaan mula pa sa mga nagdaang administrasyon hanggang sa kasalukuyan. Sa bukas na liham na ibinahagi ni  Kristina Durano Gonzales  sa kaniyang Facebook account, tinatanong nito ang kilalang aktibista kung wala na itong naging trabaho maliban sa pag-organisa ng mga rally tungkol sa mga isyung kinakaharap ng bansa. Ito po yung iksaktong laman ng isang netizen: PARA SA IYO : MR. RENATO REYES, JR.  Wala ka bang naging ibang trabaho? Iyan lang pag organize ng mga rally sa mga bagong issue ng bayang Pilipinas? Bata ka pa nuon, nasa kalye ka na, kahit sinong Presidente pa ang maupo nag ra rally pa rin kayo. Para ano ba ang mga rally niyo? Dahil ba iyan sa Ideology niyo or dahil sa pera na binabayad sa inyo? Kung sasabihin mo walan