Lumaktaw sa pangunahing content

Impeach case ni Sereno niluto daw?


Ayon sa mga reliable source sa staff ng mga kongresista, “formality” na lang ang impeachment hearing at walang ibang pakay kundi ang siraan at hiyain si Sereno.
Bago pa man nagsimula ang impeachment hearing sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa pagpapatalsik kay Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay nakalatag na diumano ang gagawin ng mga kongresista.
Pinadalhan umano lahat ng mga pro-administration na kongresista ng outline o script kung paano isasagawa ang impeachment hearing.
Una, hindi bibigyan si Sereno ng karapatang ipagtanggol ang kanyang sarili. Hindi rin papayagan si Sereno na magsama ng abogado upang magpayo sa kanya, at hindi rin siya hahayaang mag-cross examine sa mga tetestigo laban sa kanya.
Dagdag pa ng isa sa tatlong source, ang unang tetestigo laban kay Sereno ay isang psychologist na isisiwalat ang psychological profile ng Punong Mahistrado.
Papalabasin diumano na may diperensiya sa pag-iisip si Sereno.
Kasunod nito ay isang dalubhasa sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ang magbibigay ng isang presentation sa mga teknikalidad ng paghahain ng SALN.
Hinala ng mga source na susubukang gawing isyu ng SALN expert ang luxury vehicle na ginagamit ni Sereno.
Ang huling magsasalita diumano ay si Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro na napag-alamang may personal na galit kay Sereno dahil hindi inaprubahan ng Punong Mahistrado ang kanyang request na gamitin ang pondo ng SC para sa kanyang first class flight sa ibang bansa.
Isa rin si De Castro sa mga nilaktawan ni dating Pangulong Benigno Aquino III nang italaga nito si Sereno bilang Punong Mahistrado noong 2012.
Sinabi ng mga source na ang testimonya ni De Castro ay itatratong parang privilege speech na binibigay lamang sa mga kongresista at senador tuwing may session.
Sa kanyang talumpati, puwede siyang magsalita ng kahit ano, totoo man o hindi, at hindi siya maa­aring ihabla o maparusahan.
Isiniwalat din ng isa pang source na ang mga kongresistang magpapahiya kay Sereno ay mabibigyan ng pabuya sa pamamagitan ng Disbursement Acceleration Program (DAP), na personal na ibinibigay ng Malacañang sa mga distrito o kongresistang nangangailangan nito.                                                                                                     
Nakatakdang magsimula ang impeachment hearing ng Kamara sa Nobyembre 22 at nais diumano ng Malacañang na matapos ang pagpapatalsik kay Sereno bago dumating ang Disyembre 16.
Totoo man ang mga balitang ito galing sa isang source..Ang tanong, may karapatan pa ba si Sereno na manatili sa pwesto gayong sya ay appointee ni Former Pres.Aquino? Hindi ba siya ay malinaw na hadlang sa pamahalaang Duterte sa pagsusulong ng mga pagbabago sa ating bansa? 
Bilang pinakamataas na punong mahestrado, malaki ang magagawa nya upang hadlangan ang tagumpay ng administrasyong Duterte dahil malinaw na ang interes nyang isinusulong ay pabor sa Aquino administration. Sa kapakanan ng ating bayan, para sa akin ay kailangang may magsakripisyo para sa ikabubuti ng higit na nakakarami at hindi ng iilang tao lamang na maliwanag na kasakiman sa kapangyarihan ang dahilan.. Kayo po mga kababayan, ano ang inyong opinyon sa bagay na ito?

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kris Aquino To Critics "Utang Na Loob Niyo Sa Tatay Ko Ang Kalayaan Niyo"

“And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY.” Ito ang mga sinabi ni Kris Aquino laban sa mga kritiko ng kanyang pamilya. Ayon pa kay Kris, "may bayag" o matapang daw ang tatay niya dahil handa raw itong mamatay para sa bayan. Kung tinatamasa ng mga Filipino ang kalayaan ngayon, ito ay dahil sa ginawang sakri­pisyo ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., ayon sa kanyang bunsong anak na si Kris Aquino. Sa Instagram post ni Kris, binanggit nito na ang kanyang ama ay ‘may bayag’ noong isakripisyo ang kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang Marcos. Tinutukoy ng television host at aktres ang pag-uwi ni Ninoy sa bansa noong Agosto 21, 1983 sa kabila ng babala na may mangyayaring masama sa kanya. Binaril si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport). Ang kanyang pagkamatay ang naging mitsa ng pagsiklab...

(DFA) Sec. Alan Peter Ca­yetano: "MAGRE-RESIGN AKO" kapag napatunayang totoo ang passport syndicate issue!

Manila Philippines: Nakahanda umanong magbitiw sa kaniyang puwesto si Department of Fo­reign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Ca­yetano kapag napatunayang minamaniobra ng sindikato ang appointment slot sa passport. Ipinahayag ito ni Ca­yetano kahapon sa paglulunsad ng 10-year validity ng passport na ginanap sa Office of Consular Affairs ng DFA sa Parañaque City. Sa isang panayam, sinabi ng ni Cayetano na handa siyang masibak sa puwesto kung totoo ang akusasyong may korapsyon sa DFA. Inamin din nito na hindi pa perpekto ang sistema ng passport processing pero mas naging maayos na aniya ito ng maupo sya sa kasalukuyan. “Handa rin po ako sa imbestigasyon kung ito ay mayroon nangyaya­ring korapsyon sa ahensiyang ito at patutuna­yan ko na walang ganyan dito,” ani Cayetano. Hinamon pa ng Kalihim ang kanyang mga kritiko na maglabas ng ebidensiya o ‘lead’ na may sindikato sa loob ng DFA kasabay ng mariing pagtanggi na walang ginagawa ang kagawaran hinggil sa kumakalat sa socia...

BIR Slaps Renato Reyes (Bayan) with ₱1.05M Tax Evasion Charges

The Bureau of Internal Revenue (BIR) on Friday filed a ₱1.05 million tax evasion case against Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Secretary General Renato Reyes Jr., for failing to pay his personal income taxes since 2009. BIR legal counsel Atty. Brigido Loyola said Reyes’ failed to file income tax returns especially last year where he made more than ₱5.7 million from three major rallies, including the 2016 Asean Summit where he reportedly earned ₱2.5 million according to court records. Reyes, a career activist, has denied many times earlier that he is not earning a dime from organizing protests and all of his works are in voluntary basis. But Loyola said Reyes family expenses are more than his wife’s salary – who is physician working in a public hospital. From 2009 to 2014, Reyes reportedly filed tax exemptions despite already making decent amount from different protests. “We cannot exempt an individual who is earming at least ₱1.5 million a year,” Loyola said. Tax evasio...