P3.8 billion maintenance deal sa pagitan ng MRT-3 at Busan Universal Rail Inc. (BURI)..mga pekeng pyesa ang ginagamit kaya ang resulta, MRTirik.
Kinalampag ng husto kahapon ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles ang Department of Justice (DOJ) upang panghimasukan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang korapsyon sa Metro Rail Transit (MRT) Line 3 para matukoy ang utak ng pagpapalit ng mga pekeng piyesa nito na siyang ugat kung bakit laging may aberya ang operasyon nito. Sinabi ng kongresista na ang pag-usok ng isang bagon ng MRT-3 noong Biyernes, Enero 26,at iba pang aberya ay sinasabing sanhi ng ‘electrical glitch’ na resulta hindi lamang ng hindi maayos na pagmamantine kundi ang pagkakasalpak ng ‘incompatible components’ o hindi akmang piyesa sa MRT-3 system. Si Rep.Nograles ang nanguna sa paglalantad ng mga anomalya sa likod ng P3.8 billion maintenance deal sa pagitan ng MRT-3 at Busan Universal Rail Inc. (BURI). Binigyang-diin ng kongresista na magpapatuloy ang pagpalya at pagkasira ng MRT-3 kahit tinapos na ang maintenance contract ng BURI dahil ang kritikal at importanteng ...