Lumaktaw sa pangunahing content

Jan.03,2018: Nakataktang sibakin ni Pres. Duterte ang isang Top High Ranking Official ng Gobyerno ksama ang ilang Pulis at ilang Colonel.


Manila Philippines: Maugong ang usap-usapang posibleng isang opisyal ng Phi­lippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw na ito ng Miyerkoles.

Pero may nakalinya pa palang ibang sisibaking opisyal ng gobyerno sa loob ng linggong ito maliban sa presidential appointee na papangalanan ng Pangulo ngayong araw na ito.

“Sa linggong ito, bukod doon sa mataas na nanunungkulan, eh sinabi na naman ni Presidente na ‘yung mga pulis, kasama ‘yung ilang mga colonel na sisibakin din sa puwesto,” sabi ni Pre­sidential Spokesman Harry Roque kahapon.

Iba-iba aniyang kaso ang mga sisibaking police official, kaya ang mga sakop ng Civil Service Law ay binigyan ng karapatang marinig ang kanilang panig.

Sinabi pa ni Roque na nais lamang ipakita ng Pangulo na wala itong sinasanto lalo na kapag hindi sumunod sa patakaran at sa batas.

Base sa naunang pahayag ni Roque, hindi naman nito tinukoy kung sino ang nasabing top level official at kung ano ang ginawa nito.

Hindi aniya sa kung ano ang ginawa kundi nais lang ipakita ng Pangulo na seryoso ito sa giyera laban sa katiwalian sa gobyerno.

Samantala, isang source ng Abante ang nagsabi na posibleng si PCSO general manager Alexander Balutan ang top level government official na sinasabing sisibakin ng Pangulo.

Ayon sa source, na kilalang malapit kay Pangulong Duterte, posibleng si Balutan ang sinasabi ni Roque na opisyal ng gobyerno na sisibakin sa puwesto dahil sa maluhong Christmas party ng PCSO.
Sinubukan ding kuhanan ng pahayag ng Abante si PCSO Director Sandra Cam subalit hindi ito makontak sa kaniyang cellphone number.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kris Aquino To Critics "Utang Na Loob Niyo Sa Tatay Ko Ang Kalayaan Niyo"

“And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY.” Ito ang mga sinabi ni Kris Aquino laban sa mga kritiko ng kanyang pamilya. Ayon pa kay Kris, "may bayag" o matapang daw ang tatay niya dahil handa raw itong mamatay para sa bayan. Kung tinatamasa ng mga Filipino ang kalayaan ngayon, ito ay dahil sa ginawang sakri­pisyo ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., ayon sa kanyang bunsong anak na si Kris Aquino. Sa Instagram post ni Kris, binanggit nito na ang kanyang ama ay ‘may bayag’ noong isakripisyo ang kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang Marcos. Tinutukoy ng television host at aktres ang pag-uwi ni Ninoy sa bansa noong Agosto 21, 1983 sa kabila ng babala na may mangyayaring masama sa kanya. Binaril si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport). Ang kanyang pagkamatay ang naging mitsa ng pagsiklab

19 year old rape-slay victim..Suspect positive in using illegal drugs!

Another dream was burnt into ashes by an illegal drug user. Netizens were alarmed because of the increasing rape-slay cases after the Oplan Tokhang by the Philippine National Police was suspended by the President. Last week, another innocent 19 year old was victimized, allegedly raped and stabbed until death by an illegal drug user. The victim was identified as Bheanca Anne M. Punzalan, 19, a boutique staff from Lucena City. According to the report of PTV News, Bheanca decided to work and earn money because her parents cannot afford her studies to become a police officer. But her dream to become a police was brutally ended by a drug addict that already stalking the victim since November 7. The rape-slay happened after the suspect saw that the victim was already alone at the botique, he only spent six minutes just to do the crime. Bheanca’s bloody body was discovered inside the botique where she worked, the authorities found multiple stab wounds and a knife was even left embedded in h

Netizen binanatan si Renato Reyes: MAAWA KA SA SARILI MO, SA MGA ANAK MO, AT HIGIT SA LAHAT ... MAAWA KA SA BANSANG ITO!!!

MAYNILA, Pilipinas – Viral ngayon sa social media ang isang “open letter” ng isang netizen para kay Renato Reyes Jr., ang secretary-general ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan na madalas makita sa halos lahat ng kilos-protesta laban sa lahat ng pamahalaan mula pa sa mga nagdaang administrasyon hanggang sa kasalukuyan. Sa bukas na liham na ibinahagi ni  Kristina Durano Gonzales  sa kaniyang Facebook account, tinatanong nito ang kilalang aktibista kung wala na itong naging trabaho maliban sa pag-organisa ng mga rally tungkol sa mga isyung kinakaharap ng bansa. Ito po yung iksaktong laman ng isang netizen: PARA SA IYO : MR. RENATO REYES, JR.  Wala ka bang naging ibang trabaho? Iyan lang pag organize ng mga rally sa mga bagong issue ng bayang Pilipinas? Bata ka pa nuon, nasa kalye ka na, kahit sinong Presidente pa ang maupo nag ra rally pa rin kayo. Para ano ba ang mga rally niyo? Dahil ba iyan sa Ideology niyo or dahil sa pera na binabayad sa inyo? Kung sasabihin mo walan