Lumaktaw sa pangunahing content

Globe, PLDT-Smart manginig na kayo! Bukod sa China at S. Korea, ang Japan at Taiwan telcos papasok din.


Pasok na rin ang Japan at Taiwan sa mga interesadong maging third party sa telecommunications industry ng Pilipinas para sa mas mabilis na internet service sa bansa.

Sinabi kahapon ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na bukod sa China at South Korea ay nagpahayag din ng interes ang Japan at Taiwan na sumali sa third party telecom.

Bumisita aniya noong nakalipas na linggo sa bansa si Minister Seiko Noda ng Internal Affairs and Communications Ministry ng Japan at napag-usapan ang interes sa isyu ng third party.

“Oo at ito naman iyong KDDI. KDDI, iyan po iyong interesado na pumasok sa bidding at mayroon pang isa pa na interesado na Taiwanese firm pero hindi po binanggit sa atin ni Secretary (Eliseo Mijares) Rio kung ano po iyon,” ani Andanar.

Pero hindi lang aniya internet service ang bibilis sa pagpasok ng ibang telco sa bansa kundi madadagdagan din ang papasok na investments sa Pilipinas na mangangahulugan ng dagdag-kita at trabaho para sa mga Filipino.

“But what is important really is ‘yung bukod doon sa bibilis ‘yung speed ng internet at mababawasan o mawawala kaagad talaga ‘yung garble ay ‘yung additional funding or investment dito nga ho para sa bansa natin. Kasi ine-expect po nila Secretary Rio at ng DICT (Department of Information and Communications Technology) na ‘yung third player ay kailangan makapagpondo ng 300 to 400 billion pesos for the next five years,” ayon pa kay Andanar.

Kaugnay nito, si­na­bi ni Andanar na inaapura na ni Pa­ngulong Duterte ang DICT para masimulan na bago mag-second quarter ng taon para maging competitive ang telecom industry sa bansa.

Sinabi pa ng Kalihim na may magandang ibinunga ang desisyon ng Pangulo na buksan sa third player ang telecom industry dahil nagkusa na ang Globe at Smart na maglalabas ng mala­king pondo para pagandahin ang kanilang internet service.

“We can really see that even just the announcement itself ay nahikayat po iyong dalawang telco giants na mag-invest ng pera para pagandahin pa iyong kanilang serbisyo. So, that itself is already a victory for the Filipino people,” dagdag ni Andanar.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kris Aquino To Critics "Utang Na Loob Niyo Sa Tatay Ko Ang Kalayaan Niyo"

“And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY.” Ito ang mga sinabi ni Kris Aquino laban sa mga kritiko ng kanyang pamilya. Ayon pa kay Kris, "may bayag" o matapang daw ang tatay niya dahil handa raw itong mamatay para sa bayan. Kung tinatamasa ng mga Filipino ang kalayaan ngayon, ito ay dahil sa ginawang sakri­pisyo ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., ayon sa kanyang bunsong anak na si Kris Aquino. Sa Instagram post ni Kris, binanggit nito na ang kanyang ama ay ‘may bayag’ noong isakripisyo ang kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang Marcos. Tinutukoy ng television host at aktres ang pag-uwi ni Ninoy sa bansa noong Agosto 21, 1983 sa kabila ng babala na may mangyayaring masama sa kanya. Binaril si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport). Ang kanyang pagkamatay ang naging mitsa ng pagsiklab...

ASEAN 2017: Tatak Pinas, tatak Duterte

Katatapos lang maghost ng Pilipinas ng ASEAN Summit kung saan dumalo ang lahat ng mga malalaking bansa na hindi sakop ng rehiyon tulad ng US, Japan, China at Russia at nakipag-usap pa sa mga member states.                                                              At andaming tumaas ang kilay. Bakit binibigyan ng halaga ang ASEAN sa liit ng ating parte sa mundong ginagalawan. Simple lang. Dahil kay Duterte at ang halaga ng ASEAN sa ekonomiya ng lahat. Tayo ang pampitong pinakamalaking eco­nomy sa buong mundo kahit lampas kalaha­ting bilyon lang tayong katao. Kontrolado natin ang South China Sea (West Philippine Sea) na isa primary shipping route sa mundo. Tayo ang may pinamakama­laking Muslim population at lahat ng member-states ng ASEAN ay may growth rate na lampas 5%. Ibig sabihin, walang bansang pabigat sa ASEAN. Ka...

Urgent & Important Health Tips: Warm Water (Mainit na tubig) is very effective medicine to cure all kinds of deseases..Read & Shares!!!

MEDICAL ALERTNESS : PLEASE SHARE THIS WITH FAMILY AND FRIENDS, IT'S VERY IMPORTANT AND CAN SAVE SOMEONE'S LIFE.. A group of Japanese Doctors confirmed that warm water is 100% effective in resolving some health problems. Such as: 1 Migraine 2 High blood pressure 3 Low blood pressure 4 Pain of joints 5 Sudden increase and decrease of heartbeat 6 Epilepsy 7 Increasing level of cholesterol 8 Cough 9 Bodily discomfort 10 Golu pain 11 Asthma 12 Hooping cough 13 Blockage of veins 14 Disease related to Uterus & Urine 15 Stomach problems 16 Poor appetite 17 Also all diseases related to the eyes, ear & throat. 18 Headache HOW TO USE WARM WATER Get up early in the morning and drink approximately 4 glasses of warm water when the stomach is empty. You may not be able to make 4 glasses at the beginning but slowly you will. NOTE: DO not eat anything 45mins after taking the water. The warm water therapy will resolve the health problems within reasonable p...