Lumaktaw sa pangunahing content

DIYOS ng Langit at hindi diyus-diyusan dito sa lupa..Ito ang dapat sambahin ng tao!


                -ITO'Y ISANG PAALALA LAMANG PO SA BAWAT ISA-

Mga kaibigan, malinaw po sa Banal na Kasulatan na ang pagsamba at pagpaparangal sa mga "rebulto" ay tahasang tinututulan at ipinagbabawal ng Dios.
Pangalawa po sa "Sampung Utos" ang pagbabawal ng paggawa ng anomang bagay upang gawing rebulto para sambahin at luhudan sapagkat ang Dios ay walang katulad.               
 -Exodo 20:3-5

3 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.
4 Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
5 Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;
Sapagkat ang kaluwalhatian ng Dios ay hindi niya ibinibigay sa anomang bagay na inanyuan.

At ayon sa Salita ng Dios walang kwentang tao ang gumagawa at nagpapahalaga sa mga rebulto sila'y mga bulag at hangal.

Isaias 44:9-11

9 Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay hindi nangakakakita, o nangakakaalam man: upang sila'y mangapahiya.
10 Sino ang naganyo sa isang dios, o bumubo ng larawang inanyuan na di pakikinabangan sa anoman?
11 Narito, lahat niyang kasama ay mangapapahiya; at ang mga manggagawa ay sa mga tao: mapisan sila, magsitayo sila; sila'y mangatatakot, sila'y mangahihiyang magkakasama.

At lingid sa kaalaman ng lahat ang pagsamba sa diyus-diyusan ay katumbas "Dobleng" pagkakasala sa Dios.

Jerimias 16:18

18 At akin munang gagantihin ng ibayo ang kanilang kasamaan at ang kanilang kasalanan, sapagka't kanilang dinumhan ang aking lupain ng mga bangkay ng kanilang karumaldumal na mga bagay, at kanilang pinuno ang aking mana ng kanilang mga kasuklamsuklam.

Kung kaya't pinaaalis ng Diyos ang mga diyus-diyusan sa templo

Jeremias 7:30

30 Sapagka't nagsigawa ang mga anak ni Juda ng masama sa aking paningin, sabi ng Panginoon: kanilang inilagay ang kanilang mga kasuklamsuklam sa bahay na tinatawag sa aking pangalan, upang lapastanganin.

Sapagka't ang mga rebulto ay mga pekeng dios o hindi tunay na Dios.
Awit 115-1-8

1 Huwag sa amin, Oh Panginoon, huwag sa amin, kundi sa iyong pangalan ay magbigay kang karangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob, at dahil sa iyong katotohanan.
2 Bakit sasabihin ng mga bansa, Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios?
3 Nguni't ang aming Dios ay nasa mga langit: kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin.
4 Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao.
5 Sila'y may mga bibig, nguni't sila'y hindi nangagsasalita; mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita;
6 Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig; mga ilong ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakaamoy;
7 Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan; mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad; ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.
8 Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila; Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.

Ngunit talagang may mga taong dinaya na ni Satanas at hindi na pumapayag na ang rebultong kanyang sinasampalatayanan ay hindi tunay na Dios.

-Isaias 44:18-20

18 Hindi sila mangakakaalam, o nagsisigunita man: sapagka't ipinikit niya ang kanilang mga mata, upang sila'y huwag mangakakita; at ang kanilang mga puso, upang huwag silang mangakaunawa.
19 At walang nagpapaalaala o mayroon mang kaalaman, o unawa upang magsabi, Aking iginatong ang bahagi niyaon sa apoy; oo, ako naman ay nagluto ng tinapay sa mga baga niyaon; ako'y nagihaw ng karne at kinain ko: at gagawin ko baga ang nalabi niyaon na pinaka kasuklamsuklam? magpapatirapa baga ako sa puno ng isang punong kahoy?
20 Siya'y kumain ng abo: iniligaw siya ng nadayang puso, at hindi niya mailigtas ang kaniyang kaluluwa, o makapagsabi, Wala bagang kabulaanan sa aking kanang kamay?

Mga kaibigan, wagpo nating palitan ang Katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, paglingkuran at sambahin po natin ang "Lumikha" at huwag ang nilikha
-Roma 1:25

25 Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.

Ano ba ang mas matimbang saatin ang tradisyon o Salita ng Dios? Hindi ba't kung talagang mahal natin ang Dios sinusunod natin ang kanyang mga Salita o ang kanyang kalooban?
-1 Juan 5:2-3

2 Dito'y ating nakikilala na tayo'y nagsisiibig sa mga anak ng Dios, pagka tayo'y nagsisiibig sa Dios at tinutupad natin ang kaniyang mga utos.
3 Sapagka't ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.

Huwag po tayong palinlang o padaya kay Satanas paglingkuran po natin Dios na buhay at tunay.
-1 Tesalonica 1:9

9 Sapagka't sila rin ang nangagbalita tungkol sa amin kung paanong nangakapasok kami sa inyo; at kung paanong nangagbalik kayo sa Dios mula sa mga diosdiosan, upang mangaglingkod sa Dios na buhay at tunay,

NOTE: Hindi po ito isang paninira o paguusig, kundi layon po nito ipahayag sa tao kung ano Katotohanan at kung ano ang sinasabi ng BANAL na Kasulatan. Hindi rin po ito pambabastos o kawalan ng respeto sa paniniwala dahil kailanman ang pagpapayag ng KATUWIRAN ng DIOS ay hindi dapat ipinagkakait sa tao.

"Karapatan ng Tao malaman ang KATOTOHANAN dahil ito ang magpapalaya sa atin"

At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo.

--Juan 8:32

32 At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo.

Amen Praise the LORD..May GOD BLESS us all.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kris Aquino To Critics "Utang Na Loob Niyo Sa Tatay Ko Ang Kalayaan Niyo"

“And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY.” Ito ang mga sinabi ni Kris Aquino laban sa mga kritiko ng kanyang pamilya. Ayon pa kay Kris, "may bayag" o matapang daw ang tatay niya dahil handa raw itong mamatay para sa bayan. Kung tinatamasa ng mga Filipino ang kalayaan ngayon, ito ay dahil sa ginawang sakri­pisyo ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., ayon sa kanyang bunsong anak na si Kris Aquino. Sa Instagram post ni Kris, binanggit nito na ang kanyang ama ay ‘may bayag’ noong isakripisyo ang kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang Marcos. Tinutukoy ng television host at aktres ang pag-uwi ni Ninoy sa bansa noong Agosto 21, 1983 sa kabila ng babala na may mangyayaring masama sa kanya. Binaril si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport). Ang kanyang pagkamatay ang naging mitsa ng pagsiklab

19 year old rape-slay victim..Suspect positive in using illegal drugs!

Another dream was burnt into ashes by an illegal drug user. Netizens were alarmed because of the increasing rape-slay cases after the Oplan Tokhang by the Philippine National Police was suspended by the President. Last week, another innocent 19 year old was victimized, allegedly raped and stabbed until death by an illegal drug user. The victim was identified as Bheanca Anne M. Punzalan, 19, a boutique staff from Lucena City. According to the report of PTV News, Bheanca decided to work and earn money because her parents cannot afford her studies to become a police officer. But her dream to become a police was brutally ended by a drug addict that already stalking the victim since November 7. The rape-slay happened after the suspect saw that the victim was already alone at the botique, he only spent six minutes just to do the crime. Bheanca’s bloody body was discovered inside the botique where she worked, the authorities found multiple stab wounds and a knife was even left embedded in h

Netizen binanatan si Renato Reyes: MAAWA KA SA SARILI MO, SA MGA ANAK MO, AT HIGIT SA LAHAT ... MAAWA KA SA BANSANG ITO!!!

MAYNILA, Pilipinas – Viral ngayon sa social media ang isang “open letter” ng isang netizen para kay Renato Reyes Jr., ang secretary-general ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan na madalas makita sa halos lahat ng kilos-protesta laban sa lahat ng pamahalaan mula pa sa mga nagdaang administrasyon hanggang sa kasalukuyan. Sa bukas na liham na ibinahagi ni  Kristina Durano Gonzales  sa kaniyang Facebook account, tinatanong nito ang kilalang aktibista kung wala na itong naging trabaho maliban sa pag-organisa ng mga rally tungkol sa mga isyung kinakaharap ng bansa. Ito po yung iksaktong laman ng isang netizen: PARA SA IYO : MR. RENATO REYES, JR.  Wala ka bang naging ibang trabaho? Iyan lang pag organize ng mga rally sa mga bagong issue ng bayang Pilipinas? Bata ka pa nuon, nasa kalye ka na, kahit sinong Presidente pa ang maupo nag ra rally pa rin kayo. Para ano ba ang mga rally niyo? Dahil ba iyan sa Ideology niyo or dahil sa pera na binabayad sa inyo? Kung sasabihin mo walan