Lumaktaw sa pangunahing content

P3.8 billion maintenance deal sa pagitan ng MRT-3 at Busan Universal Rail Inc. (BURI)..mga pekeng pyesa ang ginagamit kaya ang resulta, MRTirik.


Kinalampag ng husto kahapon ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles ang Department of Justice (DOJ) upang panghimasukan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang korapsyon sa Metro Rail Transit (MRT) Line 3 para matukoy ang utak ng pagpapalit ng mga pekeng piyesa nito na siyang ugat kung bakit laging may aberya ang operasyon nito.

Sinabi ng kongresista na ang pag-usok ng isang bagon ng MRT-3 noong Biyernes, Enero 26,at iba pang aberya ay sinasabing sanhi ng ‘electrical glitch’ na resulta hindi lamang ng hindi maayos na pagmamantine kundi ang pagkakasalpak ng ‘incompatible components’ o hindi akmang piyesa sa MRT-3 system.

Si Rep.Nograles ang na­nguna sa paglalantad ng mga anomalya sa likod ng P3.8 billion maintenance deal sa pagitan ng MRT-3 at Busan Universal Rail Inc. (BURI).

Binigyang-diin ng kongresista na magpapatuloy ang pagpalya at pagkasira ng MRT-3 kahit tinapos na ang maintenance contract ng BURI dahil ang kritikal at importanteng piyesa nito gaya ng orihinal na Vehicle Logic Units (VLU) ay pinalitan ng mga peke.

Ang importante aniya ngayon ay mabaklas ang mga pekeng piyesa at maikabit ang mga orihinal na pyesa nito.

Sinabi ng kongresista na Kailangan na umanong magpasaklolo ang tanggapan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa DOJ upang matukoy kung bakit at paano nangyari na isa lamang sa 73 tren ng MRT-3 ang kargado ng orihinal na Bombardier VLU na nagsisilbing utak at primary automatic safety device ng MRT-3 Light Rail Vehicles (LRVs).

“I believe last September nag-breakfast kami ni Secretary Tugade, at tinanong n’ya ako kung ano ang dapat gawin sa MRT-3. Ang aking suggestion sa kanya back then ay dapat may full system audit dahil duda ko, lahat ng mga parts ng MRT-3 ay chop-chop dahil sa mga previous maintenance providers,” ayon kay Nograles.

“The VLU is a very important component of the LRV. The glitches on the MRT-3 including the fire that broke out in one of the coaches recently is a result of incompatible parts that were installed on the train system,” ito ang mariing pahayag ni Nograles.

“Whoever is responsible for removing the original parts and replacing them with fake ones should be held criminally liable. I think that NBI should already step in and get into the bottom of this,” dagdag  pa ng kongresista.

Ayun kay Nograles base sa mga dokumentong nakalap umano niya, lumilitaw na ang car number 63 ang may angkop na piyesa at naaakma sa MRT-3 VLU na gawa ng Canadian firm Bombardier Transportation Signal Ltd.

Kaduda-duda aniya, ayon kay Nograles na walang kahit isang opisyales ng MRT-3 gayundin sa dating maintenance provider ang makapagpaliwanag kung bakit binaklas ang Bombardier VLUs, kung kailan ito tinanggal at sino ang nag-utos para alisin ito.

“This is a big mystery that the NBI should solve as soon as posible. There is something very sinister on this removal of the VLUs and the people behind it should be held criminally liable. If the Bombardier VLUs were defective, why didn’t they ask Bombardier to fix or replace them instead of installing fake parts?” batay pa kay Nograles.
Ayon sa report, magugunita na ang pagmamantine sa MRT-3 ay dating minamando ng Japanese firm na Sumitomo pero nang pumasok ang administrasyong Aquino ay pinalitan at hinawakan ito ng iba’t ibang kompanya gaya ng PH-Trams-CB&T na sinundan ng Global Epcom-Apt at Global EpCom-SBI-CB&T.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kris Aquino To Critics "Utang Na Loob Niyo Sa Tatay Ko Ang Kalayaan Niyo"

“And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY.” Ito ang mga sinabi ni Kris Aquino laban sa mga kritiko ng kanyang pamilya. Ayon pa kay Kris, "may bayag" o matapang daw ang tatay niya dahil handa raw itong mamatay para sa bayan. Kung tinatamasa ng mga Filipino ang kalayaan ngayon, ito ay dahil sa ginawang sakri­pisyo ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., ayon sa kanyang bunsong anak na si Kris Aquino. Sa Instagram post ni Kris, binanggit nito na ang kanyang ama ay ‘may bayag’ noong isakripisyo ang kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang Marcos. Tinutukoy ng television host at aktres ang pag-uwi ni Ninoy sa bansa noong Agosto 21, 1983 sa kabila ng babala na may mangyayaring masama sa kanya. Binaril si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport). Ang kanyang pagkamatay ang naging mitsa ng pagsiklab

19 year old rape-slay victim..Suspect positive in using illegal drugs!

Another dream was burnt into ashes by an illegal drug user. Netizens were alarmed because of the increasing rape-slay cases after the Oplan Tokhang by the Philippine National Police was suspended by the President. Last week, another innocent 19 year old was victimized, allegedly raped and stabbed until death by an illegal drug user. The victim was identified as Bheanca Anne M. Punzalan, 19, a boutique staff from Lucena City. According to the report of PTV News, Bheanca decided to work and earn money because her parents cannot afford her studies to become a police officer. But her dream to become a police was brutally ended by a drug addict that already stalking the victim since November 7. The rape-slay happened after the suspect saw that the victim was already alone at the botique, he only spent six minutes just to do the crime. Bheanca’s bloody body was discovered inside the botique where she worked, the authorities found multiple stab wounds and a knife was even left embedded in h

Netizen binanatan si Renato Reyes: MAAWA KA SA SARILI MO, SA MGA ANAK MO, AT HIGIT SA LAHAT ... MAAWA KA SA BANSANG ITO!!!

MAYNILA, Pilipinas – Viral ngayon sa social media ang isang “open letter” ng isang netizen para kay Renato Reyes Jr., ang secretary-general ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan na madalas makita sa halos lahat ng kilos-protesta laban sa lahat ng pamahalaan mula pa sa mga nagdaang administrasyon hanggang sa kasalukuyan. Sa bukas na liham na ibinahagi ni  Kristina Durano Gonzales  sa kaniyang Facebook account, tinatanong nito ang kilalang aktibista kung wala na itong naging trabaho maliban sa pag-organisa ng mga rally tungkol sa mga isyung kinakaharap ng bansa. Ito po yung iksaktong laman ng isang netizen: PARA SA IYO : MR. RENATO REYES, JR.  Wala ka bang naging ibang trabaho? Iyan lang pag organize ng mga rally sa mga bagong issue ng bayang Pilipinas? Bata ka pa nuon, nasa kalye ka na, kahit sinong Presidente pa ang maupo nag ra rally pa rin kayo. Para ano ba ang mga rally niyo? Dahil ba iyan sa Ideology niyo or dahil sa pera na binabayad sa inyo? Kung sasabihin mo walan