Lumaktaw sa pangunahing content

(DFA) Sec. Alan Peter Ca­yetano: "MAGRE-RESIGN AKO" kapag napatunayang totoo ang passport syndicate issue!


Manila Philippines: Nakahanda umanong magbitiw sa kaniyang puwesto si Department of Fo­reign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Ca­yetano kapag napatunayang minamaniobra ng sindikato ang appointment slot sa passport.

Ipinahayag ito ni Ca­yetano kahapon sa paglulunsad ng 10-year validity ng passport na ginanap sa Office of Consular Affairs ng DFA sa Parañaque City.

Sa isang panayam, sinabi ng ni Cayetano na handa siyang masibak sa puwesto kung totoo ang akusasyong may korapsyon sa DFA.

Inamin din nito na hindi pa perpekto ang sistema ng passport processing pero mas naging maayos na aniya ito ng maupo sya sa kasalukuyan.

“Handa rin po ako sa imbestigasyon kung ito ay mayroon nangyaya­ring korapsyon sa ahensiyang ito at patutuna­yan ko na walang ganyan dito,” ani Cayetano.

Hinamon pa ng Kalihim ang kanyang mga kritiko na maglabas ng ebidensiya o ‘lead’ na may sindikato sa loob ng DFA kasabay ng mariing pagtanggi na walang ginagawa ang kagawaran hinggil sa kumakalat sa social media na kawalan ng aksyon sa mabagal na proseso sa pag-iisyu ng passport at renewal nito.

Ayon sa Kalihim, ginagawan na nila ng aksiyon ang kakulangan ng slot appointment upang lalo pang mapabilis at madagdagan ang mga ito para sa mga bagong aplikante ng pagkuha ng pasaporte.

Itinanggi rin ni Sec. Caye­tano na hawak ng ilang fixer at sindikato ang karamihang slot appointment sa consular affairs dahil sa may kasabwat na tauhan ng DFA.

Katunayan ani Cayetano, ang dating mahigit sa isang 1,000 slot appointment sa mga aplikante bawat araw ay ginawa na nila itong mahigit sa 3,000, magmula nang alisin ng DFA ang slot appointment para sa mga travel agencies.

Maging ang itinagal sa loob ng dalawang buwan sa pagproseso ng pasaporte ay maaari na aniya itong gawin sa loob lamang ng dalawang linggo.

Nag-ugat ang issue ng sumabog sa slot appointment ng DFA para sa mga kumukuha o nagre-renew ng passport makaraang bahain ng komento ang Facebook page ng kagawaran.

Sinabi naman niya na may mga kinausap na aniya ang DFA na nag-post sa Facebook na nabiktima umano ng sindikato subalit tumangging makipagtulungan.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na naka-post sa mismong Facebook account ng DFA:
Joan Nery: I started to look for an available slot early Oct 2017 until last Dec since my passport is about to expire in Jan 2018. Planning a trip to Singapore sana this Feb 2018 so I really needed my passport renewed. I managed to get an appointment Feb 15, 2018. Yun na pinakamaaga kong nakita nung last na nagcheck ako late Dec so I grabbed it na. Renewing my passport this time seems to be more difficult and frustrating than the last one 5 years ago…. kahit saang branch ke NCR o provincial halos walang available slots….

Iris Villaseñor-Abordo: Everyday po ako nag che-check sa website nyo po para tumingin ng open slots pero palagi po akong bigo. Pinanood ko ang Facebook LIVE last week ng Secretary ng DFA, sabi nya magbubukas daw ng slots this week— nag abang ako from Monday hanggang ngayon..kanina may nakita akong slot sa Jan.13 ng 12:00 tapos pag click ko sabi sakin ay FULL na…how come naging full eh kaka click ko lang ng naka green tapos big­lang FuLL na.. Jan 13 is Saturday..ibig sabihin mas mataas ang bayad kesa pag week days..try nyo pong mag open din sa week days para naman di po halata na mas gusto nyo ng mataas na bayad. puro pangako..gagaya po ba tayo sa mga dating nagdaaang mga taon na puro pangako pero walang ACTION?!

Bonnielou P Bonnie: Mabuti pa yung dati na mag llinya at same day release yung passport mo for renewal. Basta maaga ka lang, surely maka abot ka sa numberof slots ibbigay nila for that day. Ngayun, no available na til end of March at for April hindi pa open. May mga travel agencies pa na nagbbenta sa appointments. Lalong lumala ang sitwasyun at maraming nahihirapan. Ibalik nyo na lang yung dati, pls. lang!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kris Aquino To Critics "Utang Na Loob Niyo Sa Tatay Ko Ang Kalayaan Niyo"

“And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY.” Ito ang mga sinabi ni Kris Aquino laban sa mga kritiko ng kanyang pamilya. Ayon pa kay Kris, "may bayag" o matapang daw ang tatay niya dahil handa raw itong mamatay para sa bayan. Kung tinatamasa ng mga Filipino ang kalayaan ngayon, ito ay dahil sa ginawang sakri­pisyo ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., ayon sa kanyang bunsong anak na si Kris Aquino. Sa Instagram post ni Kris, binanggit nito na ang kanyang ama ay ‘may bayag’ noong isakripisyo ang kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang Marcos. Tinutukoy ng television host at aktres ang pag-uwi ni Ninoy sa bansa noong Agosto 21, 1983 sa kabila ng babala na may mangyayaring masama sa kanya. Binaril si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport). Ang kanyang pagkamatay ang naging mitsa ng pagsiklab

19 year old rape-slay victim..Suspect positive in using illegal drugs!

Another dream was burnt into ashes by an illegal drug user. Netizens were alarmed because of the increasing rape-slay cases after the Oplan Tokhang by the Philippine National Police was suspended by the President. Last week, another innocent 19 year old was victimized, allegedly raped and stabbed until death by an illegal drug user. The victim was identified as Bheanca Anne M. Punzalan, 19, a boutique staff from Lucena City. According to the report of PTV News, Bheanca decided to work and earn money because her parents cannot afford her studies to become a police officer. But her dream to become a police was brutally ended by a drug addict that already stalking the victim since November 7. The rape-slay happened after the suspect saw that the victim was already alone at the botique, he only spent six minutes just to do the crime. Bheanca’s bloody body was discovered inside the botique where she worked, the authorities found multiple stab wounds and a knife was even left embedded in h

Netizen binanatan si Renato Reyes: MAAWA KA SA SARILI MO, SA MGA ANAK MO, AT HIGIT SA LAHAT ... MAAWA KA SA BANSANG ITO!!!

MAYNILA, Pilipinas – Viral ngayon sa social media ang isang “open letter” ng isang netizen para kay Renato Reyes Jr., ang secretary-general ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan na madalas makita sa halos lahat ng kilos-protesta laban sa lahat ng pamahalaan mula pa sa mga nagdaang administrasyon hanggang sa kasalukuyan. Sa bukas na liham na ibinahagi ni  Kristina Durano Gonzales  sa kaniyang Facebook account, tinatanong nito ang kilalang aktibista kung wala na itong naging trabaho maliban sa pag-organisa ng mga rally tungkol sa mga isyung kinakaharap ng bansa. Ito po yung iksaktong laman ng isang netizen: PARA SA IYO : MR. RENATO REYES, JR.  Wala ka bang naging ibang trabaho? Iyan lang pag organize ng mga rally sa mga bagong issue ng bayang Pilipinas? Bata ka pa nuon, nasa kalye ka na, kahit sinong Presidente pa ang maupo nag ra rally pa rin kayo. Para ano ba ang mga rally niyo? Dahil ba iyan sa Ideology niyo or dahil sa pera na binabayad sa inyo? Kung sasabihin mo walan