Pinamunuan ng Bise Alkalde ang special session ng konseho sa kahilingan na rin ng kaniyang kapatid na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio upang mailabas ang natitira pang disaster fund ngayong taon ng lungsod upang matulungan ang mga sinalanta ng nagdaang bagyo. Ngunit ginulat ni Davao City Vice Mayor Paolo ‘Pulong’ Duterte ang mga miyembro ng konseho ng kanilang lungsod na nag-special session sa mismong araw ng Pasko kahapon matapos na ihayag ang kaniyang pagbibitiw sa puwesto. Inanunsyo ng Bise Alkalde ang pagbibitiw sa puwesto kung saan sinabi nito na may pinagdadaanan siyang ‘unfortunate events’ sa kaniyang buhay na mayroong kinalaman sa una niyang asawa na inilarawan nitong ‘my failed first marriage’. Binanggit din nito ang paninira sa kaniyang reputasyon makaraang isangkot sa smuggling scandal sa Bureau of Customs (BOC) at ang away nila ng anak sa unang asawa na si Isabelle. “The other person in this failed relationship is incorrigible (hindi na mababago) and canno...