Lumaktaw sa pangunahing content

DOJ, NBI at SENADO iimbistigahan ang "P3.5 Billion Dengue Vaccine Deal Scandal" na kinasasangkutan ng administrasyong Aquino?


Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, aatasan niya ang National Bureau of Investigation (NBI) para alamin kung nagbigay ng babala ang manufacturer­ na Sanofi Pasteur sa Department of Health (DOH) hinggil sa posibleng panganib na mai­dudulot nito.
Magsasagawa rin di umano ng imbestigasyon ang Department of Justice (DOJ) sa P3.5 billion deal sa pagbili ng dengue vaccine kasunod ng pahayag ng Sanofi Pasteur na posibleng naglantad sa mas seryosong sakit ang mga estudyante na hindi pa dinadapuan ng dengue pero nabakunahan pa rin nito.

“I will have it investigated and I will prepare ASAP the appropriate department order (DO).
Everybody who has some involvement will be included and appropriate charges will be filed against them if warranted,” pagtiyak ni Aguirre.

Nabatid na sinuspende na ng DOH ang dengue vaccine program­ kasunod ng pahayag­ ng Sanofi Pasteur na hindi­ dapat ibigay ang Dengvaxia vaccine sa mga indibiduwal na hindi­ pa dinadapuan ng dengue.

Nalaman na umabot na sa 733,713 batang Filipino­ ang nabakuna­han ng Dengvaxia at ngayon ay nangangamba sa kanilang kalusugan.
May natitira pa umanong 789,010 Dengvaxia units ang DOH na hindi pa nagagamit at nakatakdang ma-expire sa 2018.

Samantala, nangako na rin si Senador JV Ejercito, chairman ng senate committee on health, na iimbes­tigahan ang bagay na ito sa oras na matapos ang sariling imbestigasyon ng DOH.
Ayon kay Ejercito, maaaring maging joint hearing ng Senate Blue Ribbon Committee ang gagawin nila sa Senado dahil aalamin nila dito kung may pananagutan ang DOH sa palpak na dengue vaccine.

Sa pinakahuling balita, nag-isyu na si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ng Department Order No. 763 na inaatasan ang National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa ng case build-up laban sa mga responsable umano sa pagbili ng dengue vaccine sa nakakalulang P3.5 Billion peso na halaga.

Nabatid na kasama sa pinaiimbestigahan ng Kalihim si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at ang dating kalihim ng kanyang administrasyon.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kris Aquino To Critics "Utang Na Loob Niyo Sa Tatay Ko Ang Kalayaan Niyo"

“And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY.” Ito ang mga sinabi ni Kris Aquino laban sa mga kritiko ng kanyang pamilya. Ayon pa kay Kris, "may bayag" o matapang daw ang tatay niya dahil handa raw itong mamatay para sa bayan. Kung tinatamasa ng mga Filipino ang kalayaan ngayon, ito ay dahil sa ginawang sakri­pisyo ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., ayon sa kanyang bunsong anak na si Kris Aquino. Sa Instagram post ni Kris, binanggit nito na ang kanyang ama ay ‘may bayag’ noong isakripisyo ang kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang Marcos. Tinutukoy ng television host at aktres ang pag-uwi ni Ninoy sa bansa noong Agosto 21, 1983 sa kabila ng babala na may mangyayaring masama sa kanya. Binaril si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport). Ang kanyang pagkamatay ang naging mitsa ng pagsiklab

19 year old rape-slay victim..Suspect positive in using illegal drugs!

Another dream was burnt into ashes by an illegal drug user. Netizens were alarmed because of the increasing rape-slay cases after the Oplan Tokhang by the Philippine National Police was suspended by the President. Last week, another innocent 19 year old was victimized, allegedly raped and stabbed until death by an illegal drug user. The victim was identified as Bheanca Anne M. Punzalan, 19, a boutique staff from Lucena City. According to the report of PTV News, Bheanca decided to work and earn money because her parents cannot afford her studies to become a police officer. But her dream to become a police was brutally ended by a drug addict that already stalking the victim since November 7. The rape-slay happened after the suspect saw that the victim was already alone at the botique, he only spent six minutes just to do the crime. Bheanca’s bloody body was discovered inside the botique where she worked, the authorities found multiple stab wounds and a knife was even left embedded in h

Netizen binanatan si Renato Reyes: MAAWA KA SA SARILI MO, SA MGA ANAK MO, AT HIGIT SA LAHAT ... MAAWA KA SA BANSANG ITO!!!

MAYNILA, Pilipinas – Viral ngayon sa social media ang isang “open letter” ng isang netizen para kay Renato Reyes Jr., ang secretary-general ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan na madalas makita sa halos lahat ng kilos-protesta laban sa lahat ng pamahalaan mula pa sa mga nagdaang administrasyon hanggang sa kasalukuyan. Sa bukas na liham na ibinahagi ni  Kristina Durano Gonzales  sa kaniyang Facebook account, tinatanong nito ang kilalang aktibista kung wala na itong naging trabaho maliban sa pag-organisa ng mga rally tungkol sa mga isyung kinakaharap ng bansa. Ito po yung iksaktong laman ng isang netizen: PARA SA IYO : MR. RENATO REYES, JR.  Wala ka bang naging ibang trabaho? Iyan lang pag organize ng mga rally sa mga bagong issue ng bayang Pilipinas? Bata ka pa nuon, nasa kalye ka na, kahit sinong Presidente pa ang maupo nag ra rally pa rin kayo. Para ano ba ang mga rally niyo? Dahil ba iyan sa Ideology niyo or dahil sa pera na binabayad sa inyo? Kung sasabihin mo walan