Lumaktaw sa pangunahing content

Kapalpakan ng Department of Health (DOH) 700,000 mag-aaral sa mga pampublikong paaralan ang nanganganib!


Nagpahayag ng kani­lang pangamba ang mga magulang ng mga batang naturukan ng dengue vaccine at maging ang mga may edad na nakapagpabakuna matapos aminin ng French multinational pharmaceutical company na delikado at mapanganib sa kalusugan ang ginawa nilang gamot sa mga taong mababakunahan nito na hindi pa dinadapuan ng naturang sakit.

Kabilang ang 27-an­yos na si Ana Vicencio ng Galas, Quezon City sa daan-daang tinurukan ng dengue vaccine sa Philippine Children’s Medical Center noong Setyembre 2017.

Dumaan pa umano siya sa screening para malaman kung physically fit bago bakunahan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

“Isinama ko nga ‘yung mga anak ko kasi nga libre pero ako lang ang nabakunahan dahil me­ron silang ubo at sipon. Mabuti na lang pala ay hindi sila umubra noon kundi pati sila ngayon ay kasama sa iniintindi ko,” ayon kay Vicencio.

Nabatid na marami rin ang nabakunahan sa Malabon, Navotas at Novaliches, Quezon City.
Iginiit nila na dapat gumawa ng paraan ang Department of Health para makontra ang isinaksak na bakuna sa mahigit 700,000 mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

“Naghihintay kami ng aksiyon sa DOH, dapat managot ang mga nasa likod ng dengue vaccine na iyan,” ayon naman kay Beth Bernardino ng Niugan, Malabon City.

Isa ang apo ni Bernardino sa mga nabakunahan noong Miyerkoles lamang, isang araw matapos ianunsiyo ng Sanofi Pasteur ang depekto sa kalusugan na maaring idulot ng produkto nilang gamot.

Ilang grupo ng mga nanay ang nagbabalak na sumugod sa DOH para komprontahin ang mga opisyal na nagbigay ng dengue vaccine sa mga mag-aaral sa mga pampublikong eskuwelahan.

“Ano ba ‘yang DOH na ‘yan bakit ngayon lang ninyo sinabi na masama pala ‘yung pinamimigay na anti-dengue kung kailan napa-injection-an ko na ‘yung apo ko,” ayon kay Aling Beth, taga-Malabon na hindi nagpabanggit ng apelyido.

Nangangamba umano siya ngayon na baka magkaroon ng mala­lang sakit ang kanyang apo dahil sa naturang bakuna.

“Panawagan po sa mga nanay na na-injection-an na ang anak nila sumugod tayo sa DOH, harapin natin sila,” pahayag pa ni Aling Beth.

Samantala, naka­handa umano ang DOH sa ‘worst-case scenario’ kaugnay ng babala ng Sanofi Pasteur na maaa­ring magdulot ng mala­lang dengue infection ang bakuna nila.

Sinabi ni DOH spokesman at Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, noon pa mang magpasya sila na maging unang bansang gagamit ng Dengvaxia ang Pilipinas ay nakapagsagawa na rin sila ng mga kaukulang precautions o safety measures.

Aniya, naging maingat ang pamahalaan na ipatupad ang dengue vaccination program sa mga lugar kung saan maraming naitatalang kaso ng sakit na ito at ibinibigay lamang ito sa mga batang siyam na taong gulang pataas.

Tiniyak din ni Tayag na mino-monitor nila ang anumang posibleng hindi magandang epekto ng bakuna sa mga batang naturukan nito at hanggang sa kasalukuyan ay wala pa namang naiuulat na mas malalang impeksyon ng dengue sa mga batang nabigyan ng dengue vaccine.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kris Aquino To Critics "Utang Na Loob Niyo Sa Tatay Ko Ang Kalayaan Niyo"

“And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY.” Ito ang mga sinabi ni Kris Aquino laban sa mga kritiko ng kanyang pamilya. Ayon pa kay Kris, "may bayag" o matapang daw ang tatay niya dahil handa raw itong mamatay para sa bayan. Kung tinatamasa ng mga Filipino ang kalayaan ngayon, ito ay dahil sa ginawang sakri­pisyo ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., ayon sa kanyang bunsong anak na si Kris Aquino. Sa Instagram post ni Kris, binanggit nito na ang kanyang ama ay ‘may bayag’ noong isakripisyo ang kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang Marcos. Tinutukoy ng television host at aktres ang pag-uwi ni Ninoy sa bansa noong Agosto 21, 1983 sa kabila ng babala na may mangyayaring masama sa kanya. Binaril si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport). Ang kanyang pagkamatay ang naging mitsa ng pagsiklab

19 year old rape-slay victim..Suspect positive in using illegal drugs!

Another dream was burnt into ashes by an illegal drug user. Netizens were alarmed because of the increasing rape-slay cases after the Oplan Tokhang by the Philippine National Police was suspended by the President. Last week, another innocent 19 year old was victimized, allegedly raped and stabbed until death by an illegal drug user. The victim was identified as Bheanca Anne M. Punzalan, 19, a boutique staff from Lucena City. According to the report of PTV News, Bheanca decided to work and earn money because her parents cannot afford her studies to become a police officer. But her dream to become a police was brutally ended by a drug addict that already stalking the victim since November 7. The rape-slay happened after the suspect saw that the victim was already alone at the botique, he only spent six minutes just to do the crime. Bheanca’s bloody body was discovered inside the botique where she worked, the authorities found multiple stab wounds and a knife was even left embedded in h

Netizen binanatan si Renato Reyes: MAAWA KA SA SARILI MO, SA MGA ANAK MO, AT HIGIT SA LAHAT ... MAAWA KA SA BANSANG ITO!!!

MAYNILA, Pilipinas – Viral ngayon sa social media ang isang “open letter” ng isang netizen para kay Renato Reyes Jr., ang secretary-general ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan na madalas makita sa halos lahat ng kilos-protesta laban sa lahat ng pamahalaan mula pa sa mga nagdaang administrasyon hanggang sa kasalukuyan. Sa bukas na liham na ibinahagi ni  Kristina Durano Gonzales  sa kaniyang Facebook account, tinatanong nito ang kilalang aktibista kung wala na itong naging trabaho maliban sa pag-organisa ng mga rally tungkol sa mga isyung kinakaharap ng bansa. Ito po yung iksaktong laman ng isang netizen: PARA SA IYO : MR. RENATO REYES, JR.  Wala ka bang naging ibang trabaho? Iyan lang pag organize ng mga rally sa mga bagong issue ng bayang Pilipinas? Bata ka pa nuon, nasa kalye ka na, kahit sinong Presidente pa ang maupo nag ra rally pa rin kayo. Para ano ba ang mga rally niyo? Dahil ba iyan sa Ideology niyo or dahil sa pera na binabayad sa inyo? Kung sasabihin mo walan