Lumaktaw sa pangunahing content

Trillanes to Pulong Duterte: Hindi delicadeza..Nais mo lang takasan ang Ombudsman!


Pinamunuan ng Bise Alkalde ang special session ng konseho sa kahilingan na rin ng kaniyang kapatid na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio upang mailabas ang natitira pang disaster fund ngayong taon ng lungsod upang matulungan ang mga sinalanta ng nagdaang bagyo.

Ngunit ginulat ni Davao City Vice Mayor Paolo ‘Pulong’ Duterte ang mga miyembro ng konseho ng kanilang lungsod na nag-special session sa mismong araw ng Pasko kahapon matapos na ihayag ang kaniyang pagbibitiw sa puwesto.

Inanunsyo ng Bise Alkalde ang pagbibitiw sa puwesto kung saan sinabi nito na may pinagdadaanan siyang ‘unfortunate events’ sa kaniyang buhay na mayroong kinalaman sa una niyang asawa na inilarawan nitong ‘my failed first marriage’.

Binanggit din nito ang paninira sa kaniyang reputasyon makaraang isangkot sa smuggling scandal sa Bureau of Customs (BOC) at ang away nila ng anak sa unang asawa na si Isabelle.

“The other person in this failed relationship is incorrigible (hindi na mababago) and cannot be controlled. And I take responsibility for all that has happened as a result of a wrong decision to marry at a very young age,” bahagi pa ng pahayag ng Bise Alkalde.

“When I was gro­wing up my parents never failed to remind me of the value of the time honor principle of delicadeza and this is one of those instances in my life that I need to protect my honor and that of my children,” ayon pa sa Bise Alkalde.

Matapos ianunsyo ang pagbibitiw, binura rin ni Duterte ang kanyang official Facebook page alas-tres kahapon ng hapon. Sa FB nagsagutan ang Bise Alkalde at anak nitong si Isabelle na pinagpistahan ng netizens kung saan ay binanggit pa ng dalagita ang pambubugbog umano sa matalik niyang kaibigan bagama’t hindi naman ito idinetalye.

Wala pang ipinalalabas na pahayag si Pa­ngulong Rodrigo Duterte at maging si Presidential Spokesman Harry Roque sa pagbibitiw ng Bise Alkalde.

Sinabi naman ni Mayor Sara na batid ng kanilang pamilya kabilang na ang Pa­ngulo ang planong pagbibitiw ng kaniyang kapatid.

“Yes the President knew beforehand that the Vice Mayor will resign from his position. Best to ask the President about his reaction to the resignation,” ani Mayor Sara na dumalo rin sa special session ng kanilang konseho.

Pero, sa ngayon aniya ay mananatiling ‘on leave’ ang kaniyang kapatid hangga’t hindi pa inaaprubahan ng Pangulo ang pagbibitiw nito.

Sinabi pa ni Mayor Sara na ipinahayag ng Bise Alkalde ang resignation nito sa special session kahapon dahil iyon ang pagkakataon nitong mapasalamatan ang mga konsehal, ang mga empleyado ng Sangguniang Panlungsod at ang mga mamamayan ng Davao City.

Sa rule of succession aniya, magiging acting vice mayor ng lungsod si Councilor Bernard Al-ag.

“He most likely wanted to spare the President of futher controversies from both personal and political issues,” reaksyon ni Senador JV Ejercito.

“He has his perso­nal reasons but then it shows that VM Pulong respects delicadeza and he has honor to protect. It also proves he is not kapit tuko type. He deserves our respect,” ayon naman kay Se­nate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III.

Para naman kay ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, sa kabila ng pag-resign ng Bise Alkalde ay hindi pa rin nito matatakasan ang mga kuwestiyon tungkol sa kaniyang pagkakasangkot Davao Group at sa P6.4 billion shabu shipment sa BOC.

Ngunit para kay Sen. Trillanes, hindi delicadeza ang dahilan ng pagbibitiw nya, dahil kung yun daw ang dahilan,hindi nya sana pinatulan ang anak nyang si Isabelle. Hindi rin daw yun dahil sa pagkakasangkot nya sa BOC dahil matagal na daw inabswelto ito ng committee de absuwelto ni Gordon. Ang tunay daw na dahilan ng pagbibitiw nito ay upang takasan ang imbestigasyon sa kanya ng Ombudsman at upang maatupag nya na ang mga milyones na negosyo di umano ni Pulong na hindi nya naman binanggit kung ano ang mga iyon.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kris Aquino To Critics "Utang Na Loob Niyo Sa Tatay Ko Ang Kalayaan Niyo"

“And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY.” Ito ang mga sinabi ni Kris Aquino laban sa mga kritiko ng kanyang pamilya. Ayon pa kay Kris, "may bayag" o matapang daw ang tatay niya dahil handa raw itong mamatay para sa bayan. Kung tinatamasa ng mga Filipino ang kalayaan ngayon, ito ay dahil sa ginawang sakri­pisyo ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., ayon sa kanyang bunsong anak na si Kris Aquino. Sa Instagram post ni Kris, binanggit nito na ang kanyang ama ay ‘may bayag’ noong isakripisyo ang kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang Marcos. Tinutukoy ng television host at aktres ang pag-uwi ni Ninoy sa bansa noong Agosto 21, 1983 sa kabila ng babala na may mangyayaring masama sa kanya. Binaril si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport). Ang kanyang pagkamatay ang naging mitsa ng pagsiklab

19 year old rape-slay victim..Suspect positive in using illegal drugs!

Another dream was burnt into ashes by an illegal drug user. Netizens were alarmed because of the increasing rape-slay cases after the Oplan Tokhang by the Philippine National Police was suspended by the President. Last week, another innocent 19 year old was victimized, allegedly raped and stabbed until death by an illegal drug user. The victim was identified as Bheanca Anne M. Punzalan, 19, a boutique staff from Lucena City. According to the report of PTV News, Bheanca decided to work and earn money because her parents cannot afford her studies to become a police officer. But her dream to become a police was brutally ended by a drug addict that already stalking the victim since November 7. The rape-slay happened after the suspect saw that the victim was already alone at the botique, he only spent six minutes just to do the crime. Bheanca’s bloody body was discovered inside the botique where she worked, the authorities found multiple stab wounds and a knife was even left embedded in h

Netizen binanatan si Renato Reyes: MAAWA KA SA SARILI MO, SA MGA ANAK MO, AT HIGIT SA LAHAT ... MAAWA KA SA BANSANG ITO!!!

MAYNILA, Pilipinas – Viral ngayon sa social media ang isang “open letter” ng isang netizen para kay Renato Reyes Jr., ang secretary-general ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan na madalas makita sa halos lahat ng kilos-protesta laban sa lahat ng pamahalaan mula pa sa mga nagdaang administrasyon hanggang sa kasalukuyan. Sa bukas na liham na ibinahagi ni  Kristina Durano Gonzales  sa kaniyang Facebook account, tinatanong nito ang kilalang aktibista kung wala na itong naging trabaho maliban sa pag-organisa ng mga rally tungkol sa mga isyung kinakaharap ng bansa. Ito po yung iksaktong laman ng isang netizen: PARA SA IYO : MR. RENATO REYES, JR.  Wala ka bang naging ibang trabaho? Iyan lang pag organize ng mga rally sa mga bagong issue ng bayang Pilipinas? Bata ka pa nuon, nasa kalye ka na, kahit sinong Presidente pa ang maupo nag ra rally pa rin kayo. Para ano ba ang mga rally niyo? Dahil ba iyan sa Ideology niyo or dahil sa pera na binabayad sa inyo? Kung sasabihin mo walan