Lumaktaw sa pangunahing content

HUMANDA NA KAYO!!! Sanofi kasama ng mga dati at kasalukuyang opisyal na mapatutunayang nagkasala sa pagbili ng anti-dengue vaccine ay tiniyak na pananagutin ni Pangulong Duterte!



Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi kaagad inihayag ng Sanofi Pasteur na hindi pa ganap na masasabing epektibo ang Dengvaxia.
Kaya't hindi palulusutin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang French pharmaceutical giant na siyang gumawa ng depektibong bakuna kontra dengue.

Sinang-ayunan din ng MalacaƱang ang posisyon ng Department of Health na ibalik ng Sanofi Pasteur ang pondong ipi­nambili ng mga bakuna.
Kasabay nito, sinabi ni Roque na pananagutin ng Pangulo ang mga dati at kasalukuyang opisyal na mapatutunayang nagkasala sa pagbili ng anti-dengue vaccine na itinurok sa mga batang mahihirap sa bansa.

Ipinahayag ni Philippine Children’s Medical Center (PCMC) Executive Director Julius Lecciones na isang malaking “disappointment” ang inilabas ng French pharmaceutical giant na Sanofi Pasteur na mapanganib ang anti-dengue ­vaccine nito sa mga hindi pa ­dinadapuan ng nasabing sakit.
Aniya, napaniwala sila ng Sanofi na ligtas iturok sa mga batang may edad siyam pataas ang Dengvaxia.

“Nandoon ang tiwala mo dahil aprubado ng Food and Drug Administration. Ipinatupad ng DOH (Department of Health), safe at naaayon sa procedures, hanggang maglabas nga sila ng babala,” ayon kay Lecciones.

Kasabay nito, inamin ni Lecciones na ang PCMC ang direktang responsable sa pagbili ng P3.5 bilyong halaga ng Dengvaxia vaccines mula sa Sanofi Pasteur subalit bilang pagsunod umano ito sa utos ni da­ting Health Secretary ­Enrique Ona.
“Ang PCMC ang ina­tasan ng Secretary of Health na kung maaaring siya ang mag-procure para sa pangangailangan nila sa Dengvaxia. Wala naman akong nakitang maaaring iligal dahil from time to time, kami naman ay nagpo-procure para sa DOH,” ayon kay Lecciones.

Aniya, ang inilipat umano sa kanya na P3.5 bilyong halaga para sa pagbili ng anti-dengue vaccines ay ibinigay naman niya sa Zuellig Pharma na siyang supplier at distributor ng Dengvaxia.
Ipinaliwanag pa ni Lecciones na dumaan sa tamang proseso ang pagbili ng Dengvaxia na siyang itinatakda ng Government Procurement Reform Act.

“Na-advertise, may mga observers from Namfrel (National Movement for Free Elections), sarili naming COA (Commission on Audit), nag-proceed ayon sa process na nakasaad sa Procurement Law,” dagdag ni ­Lecciones.

Samantala, inihayag ni DOH Assistant Secretary Dr. Eric Tayag sa pamamagitan ng social media na isang pitong taong gulang na batang babae na hindi pa nababakunahan ng anti-dengue vaccine ang nasawi sa sakit na dengue kahapon ng umaga.
Pero hindi sinabi ni Tayag kung saan nakatira ang batang nasawi at ang pagkakakilanlan nito.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kris Aquino To Critics "Utang Na Loob Niyo Sa Tatay Ko Ang Kalayaan Niyo"

“And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY.” Ito ang mga sinabi ni Kris Aquino laban sa mga kritiko ng kanyang pamilya. Ayon pa kay Kris, "may bayag" o matapang daw ang tatay niya dahil handa raw itong mamatay para sa bayan. Kung tinatamasa ng mga Filipino ang kalayaan ngayon, ito ay dahil sa ginawang sakri­pisyo ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., ayon sa kanyang bunsong anak na si Kris Aquino. Sa Instagram post ni Kris, binanggit nito na ang kanyang ama ay ‘may bayag’ noong isakripisyo ang kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang Marcos. Tinutukoy ng television host at aktres ang pag-uwi ni Ninoy sa bansa noong Agosto 21, 1983 sa kabila ng babala na may mangyayaring masama sa kanya. Binaril si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport). Ang kanyang pagkamatay ang naging mitsa ng pagsiklab

19 year old rape-slay victim..Suspect positive in using illegal drugs!

Another dream was burnt into ashes by an illegal drug user. Netizens were alarmed because of the increasing rape-slay cases after the Oplan Tokhang by the Philippine National Police was suspended by the President. Last week, another innocent 19 year old was victimized, allegedly raped and stabbed until death by an illegal drug user. The victim was identified as Bheanca Anne M. Punzalan, 19, a boutique staff from Lucena City. According to the report of PTV News, Bheanca decided to work and earn money because her parents cannot afford her studies to become a police officer. But her dream to become a police was brutally ended by a drug addict that already stalking the victim since November 7. The rape-slay happened after the suspect saw that the victim was already alone at the botique, he only spent six minutes just to do the crime. Bheanca’s bloody body was discovered inside the botique where she worked, the authorities found multiple stab wounds and a knife was even left embedded in h

Netizen binanatan si Renato Reyes: MAAWA KA SA SARILI MO, SA MGA ANAK MO, AT HIGIT SA LAHAT ... MAAWA KA SA BANSANG ITO!!!

MAYNILA, Pilipinas – Viral ngayon sa social media ang isang “open letter” ng isang netizen para kay Renato Reyes Jr., ang secretary-general ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan na madalas makita sa halos lahat ng kilos-protesta laban sa lahat ng pamahalaan mula pa sa mga nagdaang administrasyon hanggang sa kasalukuyan. Sa bukas na liham na ibinahagi ni  Kristina Durano Gonzales  sa kaniyang Facebook account, tinatanong nito ang kilalang aktibista kung wala na itong naging trabaho maliban sa pag-organisa ng mga rally tungkol sa mga isyung kinakaharap ng bansa. Ito po yung iksaktong laman ng isang netizen: PARA SA IYO : MR. RENATO REYES, JR.  Wala ka bang naging ibang trabaho? Iyan lang pag organize ng mga rally sa mga bagong issue ng bayang Pilipinas? Bata ka pa nuon, nasa kalye ka na, kahit sinong Presidente pa ang maupo nag ra rally pa rin kayo. Para ano ba ang mga rally niyo? Dahil ba iyan sa Ideology niyo or dahil sa pera na binabayad sa inyo? Kung sasabihin mo walan