Inilabas ni Pang. Rodrigo Duterte ang kanyang mga sentimiyento sa ilang isyu na nagiging balakid sa kanyang gustong gawin para sa pagsulong ng bansa at kabilang sa kinastigo nito ang 71-anyos na binatang negosyante na si Manny V. Pangilinan. Sa kanyang talumpati sa mga local executive sa Central Luzon na ginanap sa Clark, Pampanga noong Miyerkoles, sinabi nitong marami siyang plano para umunlad at gumanda ang buhay ng mga Filipino pero hindi agad magawa dahil sa ilang mga nagiging hadlang sa kanyang plano. “Gusto ko lang marinig niyo ‘yung sentimiyento ko na hindi ko mailabas-labas kaya inireserba ko talaga ‘yan para sa inyo,” sabi ng Pangulo. Isa rito ayon kay Presidente Duterte ang problema sa telecommunications companies na hindi naman maganda ang serbisyo sa mga tao kaya magpapasok ito ng third telecom player. Uminit aniya ang kanyang ulo dahil gustong pabayaran sa gobyerno ang frequency na libreng ibinigay noon sa pribadong sektor. “Isauli ninyo sa gobyerno ‘yung f
Hindi pinalagpas ni presidential daughter at Davao City Rep. Sara Duterte-Carpio ang mga pahayag umano ni House Speaker Pantaleon Alvarez. Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Duterte-Carpio na sinabi ni Alvarez sa ‘crowd’ na ‘President iba siya, Speaker ako, I can always impeach him!’ And you call me opposition? Somebody should really tell the President about the truth.” Si Duterte-Carpio ay nagtayo ng political group na Hugpong ng Pagbabago na binubuo ng malalaking politiko sa Region 11 upang suportahan si Pangulong Duterte. Sa isa pang post, sinabi ni Duterte-Carpio na: “Kung asshole ka sa Congress, don’t bring that to Davao, leave it in Manila. Somebody should tell the President what you are doing. How dare you call me part of the opposition. Kapal ng mukha mo. You messed with the wrong girl.” Sa isang pahayag Itinanggi naman ni Alvarez na tinawag niyang oposisyon si Duterte-Carpio. “Alam mo sa totoo lang wala talaga akong sinabi niyan. Hindi ko alam kung saan nanggaling y