Lumaktaw sa pangunahing content

National Telecommunications Commission (NTC) Commissioners na kampi sa Globe at Smart at hinaharang ang 3rd Telco..ipinasisibak na kay Duterte.


Pinahahanapan na ng kapalit ng isang kongresista kay Pangulong Rodrigo Duterte sina National Telecommunications Commission (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba at Department of Information and Communications Technology (DICT) officer-in-charge Undersecretary Eliseo Rio Jr.

Iginiit ito ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro dahil mistula umanong balakid ang dalawang opisyal sa pagpasok ng third telecom player para sa hangarin ng Pangulo na mapabilis ang internet sa bansa.

Sabi pa niya, Imbes na mapabilis ang pagpasok ng bagong telco ay kung ano-ano pa aniya ang hinihirit nina Cordoba at Rio kahit nag­labas na ng direktiba si Pangulong Duterte na apurahin na ang pagpasok ng pangatlong telco at pinagdiinan pa na wala na dapat humarang pa dito.

Noong 2009 pa nakapuwesto si Cordoba sa NTC matapos itong italaga ng dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. Ina­prubahan naman ni Pa­ngulong Duterte ang re-appointment ni Cordoba bilang NTC chief noong Hulyo 2016.
Pero, tila wala naman aniyang nagagawa ito para mapahusay ang serbisyo ng Smart at Globe. “Tama na, tanggalin na sa NTC si Cordoba. Inu­til din dahil ‘di ma-regulate at mapaayos ang service ng Globe and Smart. Inefficient din,” komento pa ni Castro.

Ang mga pahayag ni Castro laban kay Cordoba ay nag-ugat kaugnay sa ulat na sinusuportahan nito ang posisyon ng business tycoon na si Manny V. Pangilinan, chairman at chief executive officer ng PLDT-Smart, na isasauli nito ang 3G frequency na libreng ibinigay ng gobyerno sa kanyang kompanya su­balit kailangan umanong bayaran ito.

Ikinagalit din ito ni Pa­ngulong Duterte dahil ibinigay umano sa kanila nang libre ang frequency kung kaya’t dapat isauli na walang babayaran. Binigyang-diin pa umano ng Pangulo sa kanyang cabinet meeting noong nakaraang linggo na hindi dapat gamitin ang isyu ng frequency bilang ‘bargaining chip’ para hadlangan ang pagpasok ng bagong telco player sa bansa.

Kailangan di umano ng pamahalaan ang 3G frequency para makapag-operate ang papasok na bagong telco player upang mabasag ang duopoly ng Smart at Globe sa industriya ng telekomunikasyon ng bansa.

Kinabukasan, matapos pumutok ang balita na nagalit ang Pangulo ay ini­hayag ng kampo ni Pangilinan na ibabalik nito ang 3G frequency na hindi na kailangan pang bayaran daw sa kanila.

Samantala, diskumpiyado rin ang kongresista kung may ibubuga ba si Usec. Rio bilang pinuno ng DITC. “…Si Rio mukhang wala ring kakayahan, kapasidad mamuno sa DICT,” dagdag pa ni Castro.

Reaksyon ito ng mambabatas kaugnay din sa ulat na nasermonan din si Rio dahil tila inaantala nito ang pagpasok ng third telco player sa bansa.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kris Aquino To Critics "Utang Na Loob Niyo Sa Tatay Ko Ang Kalayaan Niyo"

“And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY.” Ito ang mga sinabi ni Kris Aquino laban sa mga kritiko ng kanyang pamilya. Ayon pa kay Kris, "may bayag" o matapang daw ang tatay niya dahil handa raw itong mamatay para sa bayan. Kung tinatamasa ng mga Filipino ang kalayaan ngayon, ito ay dahil sa ginawang sakri­pisyo ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., ayon sa kanyang bunsong anak na si Kris Aquino. Sa Instagram post ni Kris, binanggit nito na ang kanyang ama ay ‘may bayag’ noong isakripisyo ang kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang Marcos. Tinutukoy ng television host at aktres ang pag-uwi ni Ninoy sa bansa noong Agosto 21, 1983 sa kabila ng babala na may mangyayaring masama sa kanya. Binaril si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport). Ang kanyang pagkamatay ang naging mitsa ng pagsiklab

19 year old rape-slay victim..Suspect positive in using illegal drugs!

Another dream was burnt into ashes by an illegal drug user. Netizens were alarmed because of the increasing rape-slay cases after the Oplan Tokhang by the Philippine National Police was suspended by the President. Last week, another innocent 19 year old was victimized, allegedly raped and stabbed until death by an illegal drug user. The victim was identified as Bheanca Anne M. Punzalan, 19, a boutique staff from Lucena City. According to the report of PTV News, Bheanca decided to work and earn money because her parents cannot afford her studies to become a police officer. But her dream to become a police was brutally ended by a drug addict that already stalking the victim since November 7. The rape-slay happened after the suspect saw that the victim was already alone at the botique, he only spent six minutes just to do the crime. Bheanca’s bloody body was discovered inside the botique where she worked, the authorities found multiple stab wounds and a knife was even left embedded in h

Netizen binanatan si Renato Reyes: MAAWA KA SA SARILI MO, SA MGA ANAK MO, AT HIGIT SA LAHAT ... MAAWA KA SA BANSANG ITO!!!

MAYNILA, Pilipinas – Viral ngayon sa social media ang isang “open letter” ng isang netizen para kay Renato Reyes Jr., ang secretary-general ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan na madalas makita sa halos lahat ng kilos-protesta laban sa lahat ng pamahalaan mula pa sa mga nagdaang administrasyon hanggang sa kasalukuyan. Sa bukas na liham na ibinahagi ni  Kristina Durano Gonzales  sa kaniyang Facebook account, tinatanong nito ang kilalang aktibista kung wala na itong naging trabaho maliban sa pag-organisa ng mga rally tungkol sa mga isyung kinakaharap ng bansa. Ito po yung iksaktong laman ng isang netizen: PARA SA IYO : MR. RENATO REYES, JR.  Wala ka bang naging ibang trabaho? Iyan lang pag organize ng mga rally sa mga bagong issue ng bayang Pilipinas? Bata ka pa nuon, nasa kalye ka na, kahit sinong Presidente pa ang maupo nag ra rally pa rin kayo. Para ano ba ang mga rally niyo? Dahil ba iyan sa Ideology niyo or dahil sa pera na binabayad sa inyo? Kung sasabihin mo walan