Lumaktaw sa pangunahing content

Duterte: Tinawag na buang si MVP at tutuliin nya kapag di isinauli sa gobyerno ng libre ang frequency!


Inilabas ni Pang. Rodrigo Duterte ang kanyang mga sentimi­yento sa ilang isyu na nagiging balakid sa kanyang gustong gawin para sa pagsulong ng bansa at kabilang sa kinastigo nito ang 71-anyos na binatang negosyante na si Manny V. Pangilinan.

Sa kanyang talumpati sa mga local exe­cutive sa Central Luzon na ginanap sa Clark, Pampanga noong Miyerkoles, sinabi nitong marami siyang plano para umunlad at gumanda ang buhay ng mga Filipino pero hindi agad magawa dahil sa ilang mga nagiging hadlang sa kanyang plano.

“Gusto ko lang marinig niyo ‘yung sentimiyento ko na hindi ko mailabas-labas kaya inireserba ko talaga ‘yan para sa inyo,” sabi ng Pangulo.

Isa rito ayon kay Presidente Duterte ang problema sa telecommunications companies na hindi naman maganda ang serbisyo sa mga tao kaya magpapasok ito ng third telecom player.

Uminit aniya ang kanyang ulo dahil gustong pabayaran sa gobyerno ang frequency na lib­reng ibinigay noon sa pribadong sektor.
“Isauli ninyo sa gobyerno ‘yung frequency. Pero pababayarin pa. It was given to them for free. Tapos pagsauli, ayaw isauli kung — they acquired it with costs,” ayon sa Pangulo.

“Binibigay ng gobyerno… Ah p***** i**. Sabi ko talaga sa Cabinet member ‘yun. Sabi ko talaga kay, ‘p***** i** sabihin mo ‘yan si… Tuliin ko siya ulit. Sauli niya ‘yan two days.’ ‘Yung isa, tawag, day after, sauli nila, ‘yung frequency sa telco. Magbayad? Libre tapos ngayon ibibi­nigay, magbayad ako? Nabuang ka?” kuwento ng Pangulo.

Hindi na rin pinapansin ng Punong Ehekutibo ang puna at batikos ng kanyang mga kritiko sa kanyang pagmumura dahil nakasanayan na aniya ito, basta ang mahalaga ay sumunod lang nang maayos sa gobyerno, aniya.

“Tapos na-interpret ng elite ng Maynila na, ‘bastos ito, ganitong salita, na rude ang ano ko.’ okay lang, basta sumunod lang kayo,” dagdag pa ng Presidente.

Matatandaang kasunod ng pasaring ni Pangulong Duterte sa telcos partikular sa PLDT-SMART na pag-aari ni Pangilinan ay bumawi ang huli at nagpahayag na handa na nitong isauli sa gobyerno ang frequency nang lib­re at di na babayaran.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kris Aquino To Critics "Utang Na Loob Niyo Sa Tatay Ko Ang Kalayaan Niyo"

“And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY.” Ito ang mga sinabi ni Kris Aquino laban sa mga kritiko ng kanyang pamilya. Ayon pa kay Kris, "may bayag" o matapang daw ang tatay niya dahil handa raw itong mamatay para sa bayan. Kung tinatamasa ng mga Filipino ang kalayaan ngayon, ito ay dahil sa ginawang sakri­pisyo ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., ayon sa kanyang bunsong anak na si Kris Aquino. Sa Instagram post ni Kris, binanggit nito na ang kanyang ama ay ‘may bayag’ noong isakripisyo ang kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang Marcos. Tinutukoy ng television host at aktres ang pag-uwi ni Ninoy sa bansa noong Agosto 21, 1983 sa kabila ng babala na may mangyayaring masama sa kanya. Binaril si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport). Ang kanyang pagkamatay ang naging mitsa ng pagsiklab

19 year old rape-slay victim..Suspect positive in using illegal drugs!

Another dream was burnt into ashes by an illegal drug user. Netizens were alarmed because of the increasing rape-slay cases after the Oplan Tokhang by the Philippine National Police was suspended by the President. Last week, another innocent 19 year old was victimized, allegedly raped and stabbed until death by an illegal drug user. The victim was identified as Bheanca Anne M. Punzalan, 19, a boutique staff from Lucena City. According to the report of PTV News, Bheanca decided to work and earn money because her parents cannot afford her studies to become a police officer. But her dream to become a police was brutally ended by a drug addict that already stalking the victim since November 7. The rape-slay happened after the suspect saw that the victim was already alone at the botique, he only spent six minutes just to do the crime. Bheanca’s bloody body was discovered inside the botique where she worked, the authorities found multiple stab wounds and a knife was even left embedded in h

Netizen binanatan si Renato Reyes: MAAWA KA SA SARILI MO, SA MGA ANAK MO, AT HIGIT SA LAHAT ... MAAWA KA SA BANSANG ITO!!!

MAYNILA, Pilipinas – Viral ngayon sa social media ang isang “open letter” ng isang netizen para kay Renato Reyes Jr., ang secretary-general ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan na madalas makita sa halos lahat ng kilos-protesta laban sa lahat ng pamahalaan mula pa sa mga nagdaang administrasyon hanggang sa kasalukuyan. Sa bukas na liham na ibinahagi ni  Kristina Durano Gonzales  sa kaniyang Facebook account, tinatanong nito ang kilalang aktibista kung wala na itong naging trabaho maliban sa pag-organisa ng mga rally tungkol sa mga isyung kinakaharap ng bansa. Ito po yung iksaktong laman ng isang netizen: PARA SA IYO : MR. RENATO REYES, JR.  Wala ka bang naging ibang trabaho? Iyan lang pag organize ng mga rally sa mga bagong issue ng bayang Pilipinas? Bata ka pa nuon, nasa kalye ka na, kahit sinong Presidente pa ang maupo nag ra rally pa rin kayo. Para ano ba ang mga rally niyo? Dahil ba iyan sa Ideology niyo or dahil sa pera na binabayad sa inyo? Kung sasabihin mo walan