Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakagiyera kapag may nangahas na mangisda sa Philippine Rise. Sa kanyang talumpati sa turn-over ng mga pabahay sa Brgy. Mipaga, Marawi City, sinabi ng Pangulo na tiyak na sisiklab ang giyera kapag may nagsagawa ng pananaliksik o ano mang uri ng aktibidad sa Philippine Rise na walang pahintulot mula sa gobyerno. Iginiit ni Pangulong Duterte na pag-aari ng Pilipinas ang Philippine Rise kaya’t walang sinoman na maaaring mangisda sa lugar. Nagpadala na aniya ang pamahalaan ng isang batalyon ng Philippine Marines sa lugar para bantayan ang teritoryo. “Dito sa eastern side Philippine Rise, ‘yan atin talaga ‘yan. May pinadala na ako doon na Marines, isang batalyon. Sinabi ko talaga, walang mag-e-experiment hangga’t walang permiso galing sa akin but the Armed Forces will have to recommend it. Otherwise, no, I will not allow fishing, I will not – magkagiyera tayo,” anang Pangulo. Filipino scientists were only on board the Chinese re...