Lumaktaw sa pangunahing content

Masked man Kyrie Irving nagliliyab sa kanyang pagbabalik..


 Umiskor si Irving ng 25 points, kinalos ng Boston ang Brooklyn 109-102 nitong Martes. Kahit ang bagong protective mask na suot, hindi napigil si Kyrie Irving.
Hindi pa natatalo ang Celtics sa 13 sunod na laro matapos umpisahan ang season sa 0-2, hawak ang best record sa NBA sa kasalukuyan.
Nagdagdag si Marcus Morris ng 21 points at 10 rebounds, may 19 points si Jayson Tatum sa Celtics. Tumapos ng 17 points at 11 rebounds si center Al Horford.
Lumiban ng isang laro si Irving matapos mabagsakan ng siko ng kakamping si Aron Baynes noong Biyernes. Nagkaroon siya ng minor facial fracture kaya kinailangang magsuot ng protective mask.
Maya’t maya ay binubutingting ni Irving ang maskara, mukhang naninibago lang. Pero ang laro niya, hindi naapektuhan.
Nagbaon siya ng jumper nang dumikit sa apat ang Nets kulang 4 minutes pa, sinundan ng isa pang basket makalipas ang 30 seconds.
Naselyuhan ang panalo sa alley-oop ni Jaylen Brown kay Tatum at dalawang free throws ni Irving tungo sa 106-96 Boston lead.
Samantala..latest update..tinalo ng Celtics ang Warriors..at si Irving ang isa sa mga humataw para manalo ang kanilang kopunan. walang nagawa sila Durant, Green, Thompson at pambantong si Stephen Curry. Lumamang ang Warriors ng 16 points sa 3rd quarter, ngunit bago natapos ay halos tabla ang eskor. Ngunit sa 4th quarter ay palitan lamang sila ng score lalo sa dulo ng last 2 minutes. Hindi mo malaman kung sino ang mananalo. Ngunit sa tulong ng sigaw at hiyawan ng crowd, mas ginanahan ang Celtics maglaro sa home court nila at yun ang ginamit nilang advantage upang talunin ang Warriors.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kris Aquino To Critics "Utang Na Loob Niyo Sa Tatay Ko Ang Kalayaan Niyo"

“And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY.” Ito ang mga sinabi ni Kris Aquino laban sa mga kritiko ng kanyang pamilya. Ayon pa kay Kris, "may bayag" o matapang daw ang tatay niya dahil handa raw itong mamatay para sa bayan. Kung tinatamasa ng mga Filipino ang kalayaan ngayon, ito ay dahil sa ginawang sakri­pisyo ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., ayon sa kanyang bunsong anak na si Kris Aquino. Sa Instagram post ni Kris, binanggit nito na ang kanyang ama ay ‘may bayag’ noong isakripisyo ang kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang Marcos. Tinutukoy ng television host at aktres ang pag-uwi ni Ninoy sa bansa noong Agosto 21, 1983 sa kabila ng babala na may mangyayaring masama sa kanya. Binaril si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport). Ang kanyang pagkamatay ang naging mitsa ng pagsiklab...

19 year old rape-slay victim..Suspect positive in using illegal drugs!

Another dream was burnt into ashes by an illegal drug user. Netizens were alarmed because of the increasing rape-slay cases after the Oplan Tokhang by the Philippine National Police was suspended by the President. Last week, another innocent 19 year old was victimized, allegedly raped and stabbed until death by an illegal drug user. The victim was identified as Bheanca Anne M. Punzalan, 19, a boutique staff from Lucena City. According to the report of PTV News, Bheanca decided to work and earn money because her parents cannot afford her studies to become a police officer. But her dream to become a police was brutally ended by a drug addict that already stalking the victim since November 7. The rape-slay happened after the suspect saw that the victim was already alone at the botique, he only spent six minutes just to do the crime. Bheanca’s bloody body was discovered inside the botique where she worked, the authorities found multiple stab wounds and a knife was even left embedded in h...

(DFA) Sec. Alan Peter Ca­yetano: "MAGRE-RESIGN AKO" kapag napatunayang totoo ang passport syndicate issue!

Manila Philippines: Nakahanda umanong magbitiw sa kaniyang puwesto si Department of Fo­reign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Ca­yetano kapag napatunayang minamaniobra ng sindikato ang appointment slot sa passport. Ipinahayag ito ni Ca­yetano kahapon sa paglulunsad ng 10-year validity ng passport na ginanap sa Office of Consular Affairs ng DFA sa Parañaque City. Sa isang panayam, sinabi ng ni Cayetano na handa siyang masibak sa puwesto kung totoo ang akusasyong may korapsyon sa DFA. Inamin din nito na hindi pa perpekto ang sistema ng passport processing pero mas naging maayos na aniya ito ng maupo sya sa kasalukuyan. “Handa rin po ako sa imbestigasyon kung ito ay mayroon nangyaya­ring korapsyon sa ahensiyang ito at patutuna­yan ko na walang ganyan dito,” ani Cayetano. Hinamon pa ng Kalihim ang kanyang mga kritiko na maglabas ng ebidensiya o ‘lead’ na may sindikato sa loob ng DFA kasabay ng mariing pagtanggi na walang ginagawa ang kagawaran hinggil sa kumakalat sa socia...