Lumaktaw sa pangunahing content

Magkaibigan tayo Rodrigo..Trumps

MANILA, Philippines — Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tumagal ng halos isang oras ang bilateral meeting nina Pangulong Duterte at Trump kung saan ay pinatatag pa lalo nito ang ugnayan ng Pilipinas at US na ginanap sa PICC, Pasay City matapos ang formal opening ng plenary session ng 31st ASEAN Summit sa Cultural Center of the Philippines (CCP).
Tiniyak kahapon ni United States President Donald Trump kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa kanilang bilateral talks na kaibigan niya ang Duterte administration.
Ayon kay Roque, nag­karoon ng prangkang usapan sina Pangulong Duterte at Trump na inabot ng 40 minuto kung saan siniguro ni Trump na kaibigan siya ng Pangulo at gaya ng nagdaang mga administrasyon ng Estados Unidos ay patuloy ang “close ties” o magandang relasyon sa pagitan ng dalawang nabanggit na bansa.Nangako si Trump na malalapitan siya bilang isang kaibigan ng Duterte administration.
Muling tiniyak ng US president na lalong pala­lakasin ng Trump admi­nistration ang relasyon nito sa Pilipinas gayundin sa ASEAN.
Tinalakay din ng dalawang lider ang usapin ng kalakalan at iminungkahi ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng pagkakaroon ng free trade sa pagitan ng Pilipinas at US at sinabi ni Trump na kanyang pag-aaralan ang usapin.
Sinabi ni Roque na hindi natalakay sa pag-uusap nina Duterte at Trump ang isyu ng karapatang pantao.
“The issue of human rights did not arise. It was not brought up,” wika ni Roque.
Mismong si Pangulong Duterte umano ang nagbukas ng isyu ng drug war nito kay Trump at walang opisyal na inilabas na posisyon ang US president sa mainit na usapin sa extra judical killings o human rights.
“It was President Duterte who discussed with President Trump the drug menace in the Philippines, and the US President appeared sympathetic and did not have any official position on the matter, merely nodding his head, indicating that he understood the domestic problem that we face on drugs,” dagdag ni Roque.
Pinasalamatan umano ni Duterte si Trump dahil sa mga tulong ng US sa Marawi conflict.
Pinuri at pinasalama­tan pa ni Trump ang Pa­ngulo sa matagumpay na pagiging host ng 31st ASEAN Summit.
“Rodrigo (Pres. Du­terte), I would like to commend you on your success as ASEAN chair at this critical moment of time ...The show last night was fantastic. And you were fantastic,” wika ni Trump sa ginanap naman na ASEAN-US 40th Anniversary Commemorative Summit.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kris Aquino To Critics "Utang Na Loob Niyo Sa Tatay Ko Ang Kalayaan Niyo"

“And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY.” Ito ang mga sinabi ni Kris Aquino laban sa mga kritiko ng kanyang pamilya. Ayon pa kay Kris, "may bayag" o matapang daw ang tatay niya dahil handa raw itong mamatay para sa bayan. Kung tinatamasa ng mga Filipino ang kalayaan ngayon, ito ay dahil sa ginawang sakri­pisyo ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., ayon sa kanyang bunsong anak na si Kris Aquino. Sa Instagram post ni Kris, binanggit nito na ang kanyang ama ay ‘may bayag’ noong isakripisyo ang kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang Marcos. Tinutukoy ng television host at aktres ang pag-uwi ni Ninoy sa bansa noong Agosto 21, 1983 sa kabila ng babala na may mangyayaring masama sa kanya. Binaril si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport). Ang kanyang pagkamatay ang naging mitsa ng pagsiklab...

ASEAN 2017: Tatak Pinas, tatak Duterte

Katatapos lang maghost ng Pilipinas ng ASEAN Summit kung saan dumalo ang lahat ng mga malalaking bansa na hindi sakop ng rehiyon tulad ng US, Japan, China at Russia at nakipag-usap pa sa mga member states.                                                              At andaming tumaas ang kilay. Bakit binibigyan ng halaga ang ASEAN sa liit ng ating parte sa mundong ginagalawan. Simple lang. Dahil kay Duterte at ang halaga ng ASEAN sa ekonomiya ng lahat. Tayo ang pampitong pinakamalaking eco­nomy sa buong mundo kahit lampas kalaha­ting bilyon lang tayong katao. Kontrolado natin ang South China Sea (West Philippine Sea) na isa primary shipping route sa mundo. Tayo ang may pinamakama­laking Muslim population at lahat ng member-states ng ASEAN ay may growth rate na lampas 5%. Ibig sabihin, walang bansang pabigat sa ASEAN. Ka...

Urgent & Important Health Tips: Warm Water (Mainit na tubig) is very effective medicine to cure all kinds of deseases..Read & Shares!!!

MEDICAL ALERTNESS : PLEASE SHARE THIS WITH FAMILY AND FRIENDS, IT'S VERY IMPORTANT AND CAN SAVE SOMEONE'S LIFE.. A group of Japanese Doctors confirmed that warm water is 100% effective in resolving some health problems. Such as: 1 Migraine 2 High blood pressure 3 Low blood pressure 4 Pain of joints 5 Sudden increase and decrease of heartbeat 6 Epilepsy 7 Increasing level of cholesterol 8 Cough 9 Bodily discomfort 10 Golu pain 11 Asthma 12 Hooping cough 13 Blockage of veins 14 Disease related to Uterus & Urine 15 Stomach problems 16 Poor appetite 17 Also all diseases related to the eyes, ear & throat. 18 Headache HOW TO USE WARM WATER Get up early in the morning and drink approximately 4 glasses of warm water when the stomach is empty. You may not be able to make 4 glasses at the beginning but slowly you will. NOTE: DO not eat anything 45mins after taking the water. The warm water therapy will resolve the health problems within reasonable p...