Duterte: Tinawag na buang si MVP at tutuliin nya kapag di isinauli sa gobyerno ng libre ang frequency!
Inilabas ni Pang. Rodrigo Duterte ang kanyang mga sentimiyento sa ilang isyu na nagiging balakid sa kanyang gustong gawin para sa pagsulong ng bansa at kabilang sa kinastigo nito ang 71-anyos na binatang negosyante na si Manny V. Pangilinan. Sa kanyang talumpati sa mga local executive sa Central Luzon na ginanap sa Clark, Pampanga noong Miyerkoles, sinabi nitong marami siyang plano para umunlad at gumanda ang buhay ng mga Filipino pero hindi agad magawa dahil sa ilang mga nagiging hadlang sa kanyang plano. “Gusto ko lang marinig niyo ‘yung sentimiyento ko na hindi ko mailabas-labas kaya inireserba ko talaga ‘yan para sa inyo,” sabi ng Pangulo. Isa rito ayon kay Presidente Duterte ang problema sa telecommunications companies na hindi naman maganda ang serbisyo sa mga tao kaya magpapasok ito ng third telecom player. Uminit aniya ang kanyang ulo dahil gustong pabayaran sa gobyerno ang frequency na libreng ibinigay noon sa pribadong sektor. “Isauli ninyo sa gobyerno ‘yung f...