Matapos ang kaniyang Maldives trip, sinabi ni Dubsmash Queen at dabarkads Maine Mendoza na Hawaii naman ang kaniyang next dream destination. At nais niyang makasama rito ang kaniyang ka-love team na si Alden Richards.
"Alam mo ba, hindi ko pa na-experience makapag-beach abroad," sabi ni Alden kay Maine sa "Chika Minute" report ni Cata Tibayan sa "24 Oras" nitong Biyernes.
"Talaga ba? Tara na," sabi naman ni Maine.
Ayon kay Alden, na-e-express ni Maine ang sarili kapag nasa beach.
"Kasi si Maine, du'n niya na-e-express 'yung sarili niya 'pag nasa beach most of the time. Happy siya 'pag nasa comfort zone siya," paliwanag ng binata.
Kabilang si Alden sa mga napa-'wow' sa kaseksihan ni Maine sa swimsuit photo nito na nag-viral sa internet kamakailan.
Pero pag-amin ni Maine, hindi raw siya nagdidiyeta, pero physical activities naman ang sikreto sa kaniyang beach body.
"Nakakatulong yung training namin ngayon for the movie kasi nagbo-box[ing] kami tapos Muay Thai din. Pero hindi naman ako nagda-diet," paliwanag niya.
Samantala, aminado ang dalawa na nagulat sila nang biglang magtampo sa kanila si Bae-by Baste at nagsabing bawal ang "uyab" o ligawan sa second anniversary celebration ng AlDub love team noong nakaraang Sabado sa "Eat Bulaga."
"Nagulat lang kami na ganu'n 'yung reaksyon nu'n. Nu'ng tinawag namin siya, bigla na lang kaming inirapan eh," kuwento ni Alden.
"Ang ganda ng irap niya," dagdag naman ni Maine.
Mensahe naman ni Maine para kay Bae-by Baste, "Bash, bati na tayo."
"Bawal na mag-uyab. Dili na uyab," sabi naman ni Alden.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento