Katatapos lang maghost ng Pilipinas ng ASEAN Summit kung saan dumalo ang lahat ng mga malalaking bansa na hindi sakop ng rehiyon tulad ng US, Japan, China at Russia at nakipag-usap pa sa mga member states.
At andaming tumaas ang kilay. Bakit binibigyan ng halaga ang ASEAN sa liit ng ating parte sa mundong ginagalawan.
At andaming tumaas ang kilay. Bakit binibigyan ng halaga ang ASEAN sa liit ng ating parte sa mundong ginagalawan.
Simple lang. Dahil kay Duterte at ang halaga ng ASEAN sa ekonomiya ng lahat. Tayo ang pampitong pinakamalaking economy sa buong mundo kahit lampas kalahating bilyon lang tayong katao.
Kontrolado natin ang South China Sea (West Philippine Sea) na isa primary shipping route sa mundo.
Tayo ang may pinamakamalaking Muslim population at lahat ng member-states ng ASEAN ay may growth rate na lampas 5%.
Ibig sabihin, walang bansang pabigat sa ASEAN. Kaya may lakas sa pagkakaisa. Unity in diversity kumbaga. At hindi puwedeng isnabin ‘yun ng mga world leaders.
Pero malakas din ang impluwensiya ni Duterte bilang Chairman ng ASEAN sa taong ito.
Kahit ano pa ang sabihin ng mga kritiko niya, malaki ang respeto ni Putin, Abe at Trump kay Tatay Digong.
Nakikita mo sa galawan at usapan nila. Parang si PRD pa nga ang idol nila. Siguro, hanga sila sa katapangan (o kayabangan) nito.
At higit sa lahat, idol ng mga maton ang isa’t isa. Hindi ako Trump supporter at madami ang ayaw kay Trump sa Amerika pero ang problema nila ay panloob na kalagayan na hindi natin dapat panghimasukan gaya ng bagay dito sa Pilipinas na hindi din dapat panghimasukan ng ibang bansa.
Madaming magandang nangyari sa ASEAN 2017. Mas madami kaysa sa hindi maganda.
Naipakita natin sa buong mundo na ang Pilipinas ay hindi bansa ng patayan at EJK.
Naipakita natin na hindi tayo mga bansa na palaaway, na nagkakawatak-watak. Ipinakita natin na kung kailangan, ang Pilipino ay magkakaisa, may plastikan man o wala.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento