Lumaktaw sa pangunahing content

Palihim na tumiba ang Smartmatic ng P2.2 Bilyong tumatagingting!


Deretsahang ibinunyag ni Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) Party-list Rep. Sherwin Tugna na tumiba nang palihim ang Venezuelan election technology supplier na Smartmatic-Total Information Management Corp. matapos bayaran ng Commission on Elections (Comelec) ng halagang P2.2 bilyon noong Disyembre 2017 para mabili ang mahigit P97,000 vote counting machines (VCMs) na ginamit noong 2016 presidential polls.

“Medyo nakakagulat na binayaran na pala nila. Kumbaga, (noong nakaraang) Pasko nagbayaran kung kailan tahimik ang lahat,” pahayag ni Rep.Tugna sa isang panayam sa radyo kahapon.
Nasorpresa umano si Tugna kung bakit kamakailan lamang binili ang VCMs gayung puwede namang bilhin na ito noong ginamit para sa 2016 presidential polls.

Binanggit ni Rep.Tugna na si dating Comelec Commissioner Christian Robert Lim ang nagbigay ng naturang impormasyon sa kanya sa oversight panel tungkol sa pagbebenta ng VCMs ng Smartmatic na siyang nagmando rin sa tinatawag na Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines na ginamit noong 2010 presidential at 2013 mid-term elections.

Dismayado si Rep.Tugna dahil hindi ipinabatid sa kanyang komite ang nasabing impormasyon kaugnay sa pagbili ng Comelec sa VMCs.
“Walang FYI (For Your Information), parang ‘uy, ‘di ko pa pala nasabi sa’yo?” ani Tugna.

Noong Disyembre 2017 nagdesisyon ang Comelec en banc na gamitin ang ‘option-to-purchase clause’ na nakapaloob sa kanilang lease contract sa pagitan ng Smartmatic para sa 97,517 VCMs na gagamitin sa May 2019 elections.

Ayon sa report, bago naman ang 2013 elections, ginamit din ng Comelec ang ‘option-to-purchase clause’ at binili ang 81,896 units ng PCOS machines na nirentahan noong 2010 elections sa halagang P1.8B.

Dagdag pa dito, sa halip na muling gamitin ang PCOS machines noong 2016 polls, nagdesisyon ang Comelec na upahan ang mahigit 90,000 VCMs mula sa Smartmatic dahil kulang na umano sa oras para bilhin pa ang mga ito.

Inihayag ni Rep.Tugna na sa pamamagitan ng isinasagawang imbestigasyon sa pangunguna ni Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero, chairman ng Senate committee on Electoral Reforms and People’s Participation, nadiskubre ang VCMs procurement.

Dahil sa nangyaring ito, duda ang kongresista kung magagamit pa ang VCMs sa mid-term elections sa susunod na taon. Nangangamba si Tugna na baka hindi na ‘compatible’ o akma ang mga VCMs sa bagong teknolohiya na gagamitin sa automated elections sa 2019

Bago ang 2016 elections ay matatandaang nirerentahan lamang ng Comelec ang VCMs na binili nitong Disyembre 2017.
Binigyang-diin ni Rep. Tugna na uusisain nila ang Comelec sa nasabing usapin sa susunod na joint hearing ng Kongreso sa Pebrero 22, 2018.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kris Aquino To Critics "Utang Na Loob Niyo Sa Tatay Ko Ang Kalayaan Niyo"

“And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY.” Ito ang mga sinabi ni Kris Aquino laban sa mga kritiko ng kanyang pamilya. Ayon pa kay Kris, "may bayag" o matapang daw ang tatay niya dahil handa raw itong mamatay para sa bayan. Kung tinatamasa ng mga Filipino ang kalayaan ngayon, ito ay dahil sa ginawang sakri­pisyo ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., ayon sa kanyang bunsong anak na si Kris Aquino. Sa Instagram post ni Kris, binanggit nito na ang kanyang ama ay ‘may bayag’ noong isakripisyo ang kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang Marcos. Tinutukoy ng television host at aktres ang pag-uwi ni Ninoy sa bansa noong Agosto 21, 1983 sa kabila ng babala na may mangyayaring masama sa kanya. Binaril si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport). Ang kanyang pagkamatay ang naging mitsa ng pagsiklab...

19 year old rape-slay victim..Suspect positive in using illegal drugs!

Another dream was burnt into ashes by an illegal drug user. Netizens were alarmed because of the increasing rape-slay cases after the Oplan Tokhang by the Philippine National Police was suspended by the President. Last week, another innocent 19 year old was victimized, allegedly raped and stabbed until death by an illegal drug user. The victim was identified as Bheanca Anne M. Punzalan, 19, a boutique staff from Lucena City. According to the report of PTV News, Bheanca decided to work and earn money because her parents cannot afford her studies to become a police officer. But her dream to become a police was brutally ended by a drug addict that already stalking the victim since November 7. The rape-slay happened after the suspect saw that the victim was already alone at the botique, he only spent six minutes just to do the crime. Bheanca’s bloody body was discovered inside the botique where she worked, the authorities found multiple stab wounds and a knife was even left embedded in h...

(DFA) Sec. Alan Peter Ca­yetano: "MAGRE-RESIGN AKO" kapag napatunayang totoo ang passport syndicate issue!

Manila Philippines: Nakahanda umanong magbitiw sa kaniyang puwesto si Department of Fo­reign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Ca­yetano kapag napatunayang minamaniobra ng sindikato ang appointment slot sa passport. Ipinahayag ito ni Ca­yetano kahapon sa paglulunsad ng 10-year validity ng passport na ginanap sa Office of Consular Affairs ng DFA sa Parañaque City. Sa isang panayam, sinabi ng ni Cayetano na handa siyang masibak sa puwesto kung totoo ang akusasyong may korapsyon sa DFA. Inamin din nito na hindi pa perpekto ang sistema ng passport processing pero mas naging maayos na aniya ito ng maupo sya sa kasalukuyan. “Handa rin po ako sa imbestigasyon kung ito ay mayroon nangyaya­ring korapsyon sa ahensiyang ito at patutuna­yan ko na walang ganyan dito,” ani Cayetano. Hinamon pa ng Kalihim ang kanyang mga kritiko na maglabas ng ebidensiya o ‘lead’ na may sindikato sa loob ng DFA kasabay ng mariing pagtanggi na walang ginagawa ang kagawaran hinggil sa kumakalat sa socia...