Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proclamation 360 na nagdedeklara ng terminasyon ng peace talks sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Tama ang nabasa niyo! Pirmado na po ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng mga rebeldeng komunistang Communist Party of the Philippines-New People's Army-National Democratic Front of the Philippines(CPP/NPA/NDF). Ito ay dahil sa kawalan ng sinseridad ng mga rebelde.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inatasan na ng pangulo ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) at ang panel for peace talks ng pamahalaan na kanselahin na ang lahat ng mga nakatakdang pakikipagpulong sa NDF-CPP-NPA.
Giit ni Roque, ginawa na ng pamahalaan ang lahat para sa pagsusulong ng kapayapaan pero patuloy pa rin sila sa panggugulo at paggawa ng karahasan.
“While we agreed to resume peace talks with the aforementioned group and exerted our best efforts to accelerate the signing and implementation of the final peace agreement, the NDFP-CPP-NPA has engaged in acts of violence and hostilities... The President, as we all know, has always wanted to leave a legacy of peace under his administration. He has, in fact, walked the extra mile for peace. Rest assured that he will continuously pray that we may all find the peace that we seek for our beloved country in the fullness of God’s time,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ilang araw bago inihinto ng Pangulong Duterte ang peace talks, nagbanta ito sa mga rebeldeng komunista dahil sa patuloy na pag-atake ng mga ito sa pwersa ng pamahalaan. Sa mga pag-atake ng NPA, ilang sibilyan na ang nadamay.
Tila suportado naman ng mga kababayan natin ang pagkansela sa peace talks.
Samantala, isinisi naman ng NDF kay Pangulong Duterte ang kabiguang talakayin ang social and economic reforms.
Ayon kay Fidel Agcaoili, Chairman ng NDFP peace panel, bago pa ang kanselasyon ay may binalangkas nang mga dokumento sa Agrarian Reform and Rural Development, at National Industrialization and Economic Development.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento