Lumaktaw sa pangunahing content

PLUNDER CASE ang isinampa sa mga dating cabinet members ni PNoy sa Ombudsman.



Kasong plunder ang ikinasa kahapon ng Department of Transportation (DOTr) laban sa mga miyembro ng gabinete ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na may kinalaman sa maanomalyang maintenance contract sa Busan Joint Venture na ugat ng palpak na serbisyo ng MRT-3 ngayon.
Sa charge sheet na isinampa sa Office of the Ombudsman sa pamamagitan ni DOTr undersecretary for legal affairs and procurement, Reinier Yebra.

 Nangunguna sa sinampahan ng plunder complaint sina dating Department of Transportation and Communications (DOTC) Sec. Joseph Emilio Abaya at dating Interior and Local Go­vernment Secretary Mar Roxas. Si Roxas ay nagsilbi ring kalihim ng DOTC bago si Abaya.

Bukod kay Abaya at Roxas, kasama sa inireklamo sina dating Budget and Management Secretary Florencio Abad, dating Finance Sec. Cesar Purisima, da­ting Energy Sec. Jericho Petilla, dating Science and Technology chief Mario Montejo, dating Defense Sec. Voltaire Gazmin, dating Public Works and Highways Sec. Rogelio Singson at dating National Economic and Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balicasan.

Gayundin sina dating MRT General Manager Roman Buenafe; dating Transportation undersecretaries Rene Limcaoco, Catherine Gonzales at Edwin Lopez; dating Bids and Awards Committee (BAC) officials; opisyal ng Busan Universal Rail, Inc. (BURI); at isang Marlo dela Cruz.
Ito na ang pangatlong reklamong isinampa laban kay Abaya sa Ombudsman na may kinalaman sa umano’y maanomalyang MRT-3 maintenance contract.

Iginiit ni Cong. Nograles kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na imbestigahan ang pa­yola scheme na sumingaw sa P3.8 bilyong maintenance contract na pinasok ng Department of Transportation (DOTr) sa Busan Universal Rail Inc. (BURI) para sa operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3.

Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles, sangkot diumano sa iskandalosong payola scheme sa MRT-3 maintenance provider ang mga nakaraan at kasalukuyang opisyales ng pamahalaan.

“I have received reports on an alleged payola scheme of past and present government officials that made this fake contract possible. I am in the process of verifying these facts and will expose them in the appropriate time and venue but I really think that the Ombudsman should also take the initiative to investigate this large-scale corruption that put the MRT-3 in a terrible mess,” pahayag ni Nograles.

Dapat aniyang simulan ng Ombudsman ang pagkalkal sa masalimuot at buhol-buhol na sistema ng korapsyon kaya nagawang pumapel ng BURI bilang maintenance service provider ng MRT-3 kahit na maraming butas sa kontrata at palpak ang serbisyo nito.

Binanggit ng kongresista na dahil sa pagkakadeklara ng Commission on Audit (COA) na non-existent at hindi balido ang kontrata sa BURI, nararapat lamang na ibalik ang milyones na pondo na ibinayad ng gobyerno sa naturang kompanya.

“COA has issued se­veral notices of suspension on the payments made to BURI. According to the COA, BURI has no legal personality to collect payments from the DOTr and, therefore, should return the money,” giit ni Nograles.

Subalit maaaring imposible na aniyang maibalik ng BURI ang lahat ng binayad sa kanila dahil sa korapsyon.
“We are investigating and verifying if some personalities received bribes, commissions, campaign funds from this group. Paano nila singilin ang mga ‘yun? BURI may have also given commissions to past and present officials for every payment made to them,” ayon kay Nograles.
Samantala, ngayong ibinasura na aniya ng tanggapan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang kontrata ng BURI, dapat ay kumilos na rin kaagad ang kagawaran at hanapan ng pangmatagalang solusyon ang mga problema ng MRT-3.

“The DOTr can solicit help from the private sector regarding the MRT3’s woes. The LRT system is running with minimal problems so if that is a working formula, why not replicate it? I think that the DOTr should use the LRT experience in its effort to rehabilitate LRT,” mungkahi ni Nograles.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kris Aquino To Critics "Utang Na Loob Niyo Sa Tatay Ko Ang Kalayaan Niyo"

“And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY.” Ito ang mga sinabi ni Kris Aquino laban sa mga kritiko ng kanyang pamilya. Ayon pa kay Kris, "may bayag" o matapang daw ang tatay niya dahil handa raw itong mamatay para sa bayan. Kung tinatamasa ng mga Filipino ang kalayaan ngayon, ito ay dahil sa ginawang sakri­pisyo ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., ayon sa kanyang bunsong anak na si Kris Aquino. Sa Instagram post ni Kris, binanggit nito na ang kanyang ama ay ‘may bayag’ noong isakripisyo ang kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang Marcos. Tinutukoy ng television host at aktres ang pag-uwi ni Ninoy sa bansa noong Agosto 21, 1983 sa kabila ng babala na may mangyayaring masama sa kanya. Binaril si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport). Ang kanyang pagkamatay ang naging mitsa ng pagsiklab

19 year old rape-slay victim..Suspect positive in using illegal drugs!

Another dream was burnt into ashes by an illegal drug user. Netizens were alarmed because of the increasing rape-slay cases after the Oplan Tokhang by the Philippine National Police was suspended by the President. Last week, another innocent 19 year old was victimized, allegedly raped and stabbed until death by an illegal drug user. The victim was identified as Bheanca Anne M. Punzalan, 19, a boutique staff from Lucena City. According to the report of PTV News, Bheanca decided to work and earn money because her parents cannot afford her studies to become a police officer. But her dream to become a police was brutally ended by a drug addict that already stalking the victim since November 7. The rape-slay happened after the suspect saw that the victim was already alone at the botique, he only spent six minutes just to do the crime. Bheanca’s bloody body was discovered inside the botique where she worked, the authorities found multiple stab wounds and a knife was even left embedded in h

Netizen binanatan si Renato Reyes: MAAWA KA SA SARILI MO, SA MGA ANAK MO, AT HIGIT SA LAHAT ... MAAWA KA SA BANSANG ITO!!!

MAYNILA, Pilipinas – Viral ngayon sa social media ang isang “open letter” ng isang netizen para kay Renato Reyes Jr., ang secretary-general ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan na madalas makita sa halos lahat ng kilos-protesta laban sa lahat ng pamahalaan mula pa sa mga nagdaang administrasyon hanggang sa kasalukuyan. Sa bukas na liham na ibinahagi ni  Kristina Durano Gonzales  sa kaniyang Facebook account, tinatanong nito ang kilalang aktibista kung wala na itong naging trabaho maliban sa pag-organisa ng mga rally tungkol sa mga isyung kinakaharap ng bansa. Ito po yung iksaktong laman ng isang netizen: PARA SA IYO : MR. RENATO REYES, JR.  Wala ka bang naging ibang trabaho? Iyan lang pag organize ng mga rally sa mga bagong issue ng bayang Pilipinas? Bata ka pa nuon, nasa kalye ka na, kahit sinong Presidente pa ang maupo nag ra rally pa rin kayo. Para ano ba ang mga rally niyo? Dahil ba iyan sa Ideology niyo or dahil sa pera na binabayad sa inyo? Kung sasabihin mo walan