Umiskor si Irving ng 25 points, kinalos ng Boston ang Brooklyn 109-102 nitong Martes. Kahit ang bagong protective mask na suot, hindi napigil si Kyrie Irving.
Hindi pa natatalo ang Celtics sa 13 sunod na laro matapos umpisahan ang season sa 0-2, hawak ang best record sa NBA sa kasalukuyan.
Nagdagdag si Marcus Morris ng 21 points at 10 rebounds, may 19 points si Jayson Tatum sa Celtics. Tumapos ng 17 points at 11 rebounds si center Al Horford.
Lumiban ng isang laro si Irving matapos mabagsakan ng siko ng kakamping si Aron Baynes noong Biyernes. Nagkaroon siya ng minor facial fracture kaya kinailangang magsuot ng protective mask.
Maya’t maya ay binubutingting ni Irving ang maskara, mukhang naninibago lang. Pero ang laro niya, hindi naapektuhan.
Nagbaon siya ng jumper nang dumikit sa apat ang Nets kulang 4 minutes pa, sinundan ng isa pang basket makalipas ang 30 seconds.
Naselyuhan ang panalo sa alley-oop ni Jaylen Brown kay Tatum at dalawang free throws ni Irving tungo sa 106-96 Boston lead.
Samantala..latest update..tinalo ng Celtics ang Warriors..at si Irving ang isa sa mga humataw para manalo ang kanilang kopunan. walang nagawa sila Durant, Green, Thompson at pambantong si Stephen Curry. Lumamang ang Warriors ng 16 points sa 3rd quarter, ngunit bago natapos ay halos tabla ang eskor. Ngunit sa 4th quarter ay palitan lamang sila ng score lalo sa dulo ng last 2 minutes. Hindi mo malaman kung sino ang mananalo. Ngunit sa tulong ng sigaw at hiyawan ng crowd, mas ginanahan ang Celtics maglaro sa home court nila at yun ang ginamit nilang advantage upang talunin ang Warriors.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento