Isang Babae Sa 14 Na Namatay Na Nakipag Bakbakan Sa Batangas na myembro ng NPA, Ay Estudyante Ng U.P.!
"Yes, we received information that she was from UP (University of the Philippines). I’m just not sure which (campus),”
Ito ang naging pahayag ni Batangas Provincial Director Police Sr. Supt. Alden Delvo sa pagkakakilanlan ng isa sa mga nasawi sa hanay ng terroristang New People's Army.
Kinilala ang babaeng NPA na si Josephine Santiago Lapira, 22 taong-gulang, taga-Marikina. Kinumpirma na rin ng mga kamag-anak ni Lapira na nag-aral nga ito sa UP Manila.
14 ang nalagas sa panig ng NPA sa naganap na bakbakan kagabi sa Nasugbu, Batangas. Ayon sa mga ulat, lima sa 14 mga namatay na NPA ay mga babae. Samantala, 2 air force officials naman ang nasugatan sa nangyaring engkwentro.
Matatandaang labing-apat na miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napatay sa dalawang magkasunod na engkuwentro laban sa mga tropa ng pamahalaan sa Nasugbu, Batangas kamakalawa ng gabi.
Batay sa report ng Nasugbu police, bandang alas-otso ng gabi, nakatanggap umano ng report ang Nasugbu PNP hinggil sa presensya ng mga armadong grupo sa kanilang area of responsibility.
Agad bumuo ng team ang mga awtoridad na kinabibilangan ng magkakasanib na pwersa ng 730th Special Operations Wing (SOW) ng Philippine Airforce, Provincial Public Safety Company (PPSC) ng Batangas PNP at Nasugbu police upang beripikahin ang impormasyon.
Subalit pagdating sa Sitio Pinamantasan, Brgy. Aga, bigla na lamang ang mga itong pinaulanan ng bala mula sa mga sakay ng isang jeepney at sa isang closed van.
Nagbunsod ito ng running gun battle sa pagitan ng magkalabang grupo.
Nagresulta ito sa pagkamatay ng limang miyembro ng NPA at pagkasugat ng dalawa pa.
Tatlo naman mula sa panig ng pamahalaan ang nasugatan na kinabibilangan nina Major Engilberto Nioda Jr, PAF; 2Lt. Eliseo Incierto, PAF, at TSG. Kenneth Lopez, PA, na agad isinugod sa ospital.
Narekober mula sa mga rebelde ang limang mahahabang baril.
Sumiklab naman ang ikalawang engkuwentro sa Sitio Batulao, Brgy. Kaylaway, Nasugbu, dalawang kilometro ang layo mula sa unang labanan.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento