Gen. Santos City ROAD PROJECT: Pinaiimbistigahan ni Duterte ang Aquino Administration at ang mga kasama nyang matataas na opisyal sa di maituro kung nasaan ang kalsadang nagawa na nagkakahalaga ng 8.7 Billion pesos.
Nagpatawag ng biglaang press conference ang Department of Justice sa pangunguna ni Sec. Aguirre patungkol umano ito sa maanumalyang right of way project sa ilalim ng Aquino Administration.
Ayon kay Sec. of Justice Vitaliano Aguirre, sangkot ang ilan sa matataas na opisyal ng administrasyong Aquino sa maanumalyang proyekto. Aabot anya sa 8.7 Bilyong pesos ang halaga ng nakulimbat sa right of way scam sa General Santos City.
Kabilang di umano sa mga sangkot dito ay sina dating Public Work Secretary Rogelio Singson at dating Budget Secretary Florencio Butch Abad.
Sinabi ni Aguire na hawak na ngayon ng NBI ang sworn affidavit ng testigo na sinasabing kabilang din sa sindikato.
"In the documents submitted to the NBI and on the sinumpaang salaysay of our witness, some of the high ranking officials of the previews administration may have potential liabilities like DPWH Secretary Rogelio Singson who apparently approved and requested the list of payment for fake road right of way plains. Former Budget Secretary Florencio Abad who apparently approved the released of payment for illegal Road right of way plains as requested by the former DPWH Secretary Rogelio Singson." Aguirre said.
Base anya sa kanilang testigo, isang Nelson Dee ang financier ng grupo at kaanak ni Phil. envoy to China Domingo Lee na malapit kay Noynoy Aquino. Si Singson anya ang nag-aaproba at nagrerequest ng released ng bayad para sa pekeng road right of way habang si Abad naman ang nag-aaproba at nagpapalabas ng pondo.
Hawak anya ng kanilang testigo ang mga dokumento na pirmado ng mga nasabing opisyal.
Ngunit bukod dito sa mga isiniwalat ng mga testigo, may iba pang inaalala si Sec. Aguirre.
"But I really don't know na meron ding ganito sa other part of the country, kasi they were able to do this in Gensan at napakalaking pera ang nakuha nila,then I believed that this is very posible,very pronable that this has been also practiced in the other part of the country." Aguire said.
Sangkot din anya ang ilang myembro ng DPWH, Bureau of Internal Revenue, City Assessor's Office ng Gensan, Registry of Deeds, Comision of Audit or COA at Regional Trial Courts ay sangkot din sa nasabing scam.
Sangkot din anya ang ilang myembro ng DPWH, Bureau of Internal Revenue, City Assessor's Office ng Gensan, Registry of Deeds, Comision of Audit or COA at Regional Trial Courts ay sangkot din sa nasabing scam.
Nilinaw naman ng kalihim na circumstancia lamang ang pagkakasangkot nina Aquino nat Lee, dahil wala naman sa mga dokumento ang magpapatunay na kasama ang mga ito sa scam. Nakatakda namang iharap ng kalihim sa susunod na linggo ang sinasabing mga testigo. Sa ngayon, pansamantala umanong nasa ilalim ng Witness Protection Program ng DOJ ang hindi pa pinangalanang mga testigo na lumapit sa kanila tatlong buwan na ang nakakaraan.
Kaugnay nito, nananawagan naman ang DOJ sa mga may alam sa scam na lumantad at makipagtulungan para sa kanilang isasagawang imbestigasyon.
Sinabi rin ni Pangulong Duterte sa mga media,na wag ang kasalukuyang gobyerno ang kalkalin nila kundi sina Abad, at si Pnoy. Sinabi nya pa na "Despite of constitutional ruling na ipinagbabawal ang DAP, they continue to do it. Kaya ngayon, ilalabas ko na lahat yan, pati yung kay Trillanes, ilan ang natanggap nila, at paano nila ito ginastos?" ani Duterte.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento