Tinatawag nang susunod na Bise Presidente ng bansa si dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga dinadaluhan nitong pagtitipon kahit saang lugar.
Ikinakatuwa naman ito ng anak ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos at ramdam na ramdam na siya ang ikalawang pinakamataas na pinuno ng bansa kasunod ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tulad na lamang ng nangyari sa isang pagtitipon sa Manila Yacht Club noong Nobyembre 10, 2017, ipinakilala si Marcos na susunod na vice president ng bansa.
Isang malaking tarpaulin ang binalandra sa event na may pangalan ni Bongbong Marcos bilang Vice President of the Philippines (to be).
Nabatid na kinuhang tagapagsalita si Marcos sa commencement exercises ng New Veshua Change Agent.
May nakabinbin na election protest si Marcos laban kay Vice President Leni Robredo sa Presidential Electoral Tribunal (PET).
Tinanggihan nito ang alok na maging kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa pag-aabang sa kalalabasan ng election protest nito.
Natalo si Marcos sa lamang na 263,000 boto lamang kay Robredo.
Pinagpiyestahan naman sa social media ang litrato hinggil sa pagturing kay Marcos bilang ‘VP to be’.
“Gusto ko rin gumawa ng tarp for Leni Robredo, ‘President of the Republic of the Philippines (to be)’. Tingnan natin kung ‘di sumabog mga bungo ng mga ka-DDS,” komento ng isang morx sa Twitter.
“To be talaga,” komento naman ng isang jaz@Nhetzkr.
“hirap talaga magmove on…nakaka awa naman!!,” komento ng isang Mrs. Teriyakijoy.
Ngunit isang source ang nagsabi na nanginginig na daw ang kampo ni VP Robredo sa kasalukuyang on going electoral protest ni Bongbong dahil kapag napatunayang si Marcos ang nanalo, bukod sa mawawala sa pwesto si Leni ay maraming kaso pa itong kakaharapin kapag napatunayang nandaya ito noong eleksyon. Bukod pa dyan ang katakot-takot syempreng kahihiyan sa publiko hindi lamang sa kampo ni Leni kundi sa boung pamilya ang epekto nito. Samantalang sa panig ni Marcos, simpleng pagtanggap lamang ng katotohanang talagang natalo sya sa elekyon kasama na ang kanyang bulsa.
Well, abangan na lang natin ang resulta ng recounting via electoral protest ni Marcos..sino ang magbubunyi sa dulo..kampo ba ni Bongbong o ni Leni?
Ano sa palagay ninyo mga kababayan?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento